Deployment ng OFW sa ibang bansa pahihintulutan maliban sa mga health professionals

  • Pinahintulutan ng IATF ang deployment ng Filipino workers sa ibang bansa maliban sa mga health care professionals
  • Ang mga Pinoy workers na mag-aabroad ay kailangang gumawa ng deklarasyon na nagsasabing alam nila ang panganib na haharapin sa pagtungo sa ibang bansa
  • Ang mga recruitment agencies ay pahihintulutang mag-operate sa mga MECQ at GCQ areas

Maaari nang makapagtrabaho sa labas ng bansa ang mga overseas Filipino workers (OFWs), subalit ang mga health care workers ay hindi papayagan dahil sakop sila ng deployment ban na ipinatutupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Imahe mula sa DFA

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ay isa sa mga guidelines na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa ilalim ng Resolution No. 36.

“Land-based or sea-based OFWs ay papayagan pong umalis para sa abroad. Hindi po kasama dito ang mga health professionals na kasama sa deployment ban na inisyu ng POEA,” sabi ni Roque.

Matatandaang noong buwan ng Abril ay nag-isyu ang POEA ng isang resolusyon na pansamantalang nagbabawal sa deployment ng lahat ng health care workers hangga’t hindi pa natatapos ang health crisis sa bansa.

Ang mga recruitment at placement agencies ay pinahihintulutan na rin ng IATF na mag-operate sa mga MECQ at GCQ areas.

Ang mga government offices at agencies na may kinalaman sa pagpoproseso ng deployment ng mga OFWs ay inatasan na maglaan ng tinatawag na “green lanes” upang mapabilis ang deployment process.

Imahe mula sa CNN PH

Binigyang-diin ni Roque na lahat ng OFWs ay kailangang gumawa ng deklarasyon na nagsasabing nalalaman nila ang panganib na kanilang kakaharapin sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Imahe mula sa POEA
Source :

PNA, Manila Times

Loading…