Dialysis patient napagtagumpayan ang laban sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Raymond Santos
  • Doble ang naging pasakit sa dialysis patient na si Raymond nang magkaroon siya ng COVID-19
  • Kuwento niya, nahirapan siyang makahanap ng ospital o center na tatanggap sa kaniya nang makuha niya ang kumpirmasyon mula sa RITM na positibo nga siya sa virus
  • Matapos ang 55 araw na pagkaka-confine ay napagtagumpayan na niya ang COVID

Ibinahagi ng isang dialysis patient ang dobleng pagsubok na kinaharap nang magkaroon siya ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Raymond Santos

Dahil sa chronic kidney disease ay kinakailangang sumailalim ni Raymond Santos sa dialysis tatlong beses sa isang linggo. Ngunit nang ma-tag siya bilang person under investigation (PUI) sa COVID noong March 19 ay hindi na muna siya nakapag-dialysis.

March 25 nang makatanggap siya ng kumpirmasyon mula sa RITM na positibo siya sa virus. Kinabukasan ay halos 10 ospital at mga center ang sinubukan nilang i-contact ngunit walang tumatanggap sa kaniya.

Pakiramdam daw noon ni Raymond ay katapusan na niya dahil sa dami ng iniindang sakit.

“That day, I surrendered myself to God. Sinabi ko sa Kaniya na kunin Niya na ako kung kukunin Niya ako kasi hindi ko na talaga kaya,” paglalahad ni Raymond sa isang Facebook post.

“Nagpaalam na rin ako sa parents and friends ko. Feeling ko 1% na lang talaga ako…parang nakabalot ‘yung ulo ko ng plastic. Sobrang hirap huminga.”

Imahe mula sa Facebook | Raymond Santos

Sa kabutihang palad ay sinundo naman siya ng isang ambulansya upang ihatid sa ospital at noong May 28 ay naipasok na siya sa private room at muling nakapagpa-dialysis.

Bagama’t matapos ang isang linggo ay wala na siyang nararanasang sintomas ay sa ika-pitong swab pa lamang nag-negatibo si Raymond. Pagkatapos ng 55 araw na mag-isang pakikipaglaban sa ospital ay nakalabas na rin siya.

Dahil sa karanasan niyang ito, nakiusap siyang mag-ingat ang lahat upang huwag magkaroon ng COVID.

“Three years na akong nagda-dialysis pero yung COVID, siya ‘yung hindi ko makalilimutan.Siya talaga ‘yung pinakamalungkot na sakit,” sabi niya sa ABS-CBN.

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…