Diskarte sa tag-init: Lalaking walang swimming pool, sa loob ng malaking plastic na may tubig naglublob

  • Kanya-kanyang diskarte ang mga Pinoy para labanan ang tirik na araw ngayong summer
  • Ang isang lalaki nga, ginawang swimming pool ang isang plastic bag at doon nagbabad
  • Trending naman ito ngayon sa Facebook at marami daw ang gustong gumaya

Maalinsangan ang panahon sa buong bansa nitong mga nagdaang araw. Pagpasok ng buwan ng Mayo ay mas naramdaman ang tirik ng araw at maraming Pilipino ang init na init ngayon. Kanya-kanya tuloy ng diskarte ang marami upang mapreskuhan.

May mga naglalabas na ng kanilang inflatable pools o ‘di kaya naman ay nagbababad sa mga batya at malalaking balde para lang malabanan ang panahon. Pero may iba namang may kakaibang diskarte na hindi lang nakapepresko ng pakiramdam, nagdadala rin ng ngiti sa iba.

Larawan mula sa post ni Marissa Gabino

Sa isang larawang in-upload ni Marissa Gabino sa kanyang Facebook account, makikita ang isang lalaki na may kakaibang paandar para magbabad ngayong summer. Dahil wala raw pambili ng sariling inflatable pool, sa isang malaking plastic na lang naglublob ang isang lalaki.

Kasya ang katawan ng lalaki sa plastic, at nilagyan na lang niya ng tubig sa pamamagitan ng isang hose. Upang hindi lumundo ang plastic, nakatali ito sa mas matibay na pundasyon. Chill na chill nga naman ang lalaki sa kanyang improvised at unique na pool.

Dahil dito, agad na nag-trending sa social media ang kakaibang pool ng lalaki sa larawang in-upload ni Marissa. Habang isinusulat ang kuwentong ito, mayroon nang halos 5000 reactions, 1100 comments, at 10,000 shares ang larawan.

Marami namang netizens ang na-good vibes sa diskarteng ito ng lalaki. Siyempre, marami ang nagta-tag sa kanilang mga kakilala upang ibahagi ang sayang dulot ng larawan. Marami din ang nagpaabot ng kanilang komento sa instant lubluban ng lalaki.

Larawan mula sa Pexels

Ayon sa ilan, para daw isda ang lalaki na ibinebenta sa bangketa lalo na kung may piyesta. Iyong mga isdang nakalagay sa pakete ng yelo at may kaunting tubig. Sabi naman ng ilan, ganito raw siguro ang pakiramdam na maging human ice tubig.

Ang ilan naman, sinabing gagayahin nila ang diskarteng ito ni kuya. Marami naman daw silang malalaking plastic sa kanilang bahay na pagtitiyagaan na lang nila para naman mapawi ang nararamdaman.

Loading…