Distribusyon ng cash aid sa GCQ areas posibleng itigil na

  • Posibleng itigil ng pamahalaan ang pamamahagi ng 2nd tranche ng cash aid sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ
  • Ito ay dahi pinapayagan nang makabalik sa trabaho ang mga tao sa ilalim ng GCQ areas
  • Nilinaw naman ni Roque na hindi pa pinal ang desisyon na itigil na ang pamamahagi ng cash aid sa GCQ areas

Ang mga low-income families sa mga lugar na inilagay sa mas maluwag na general community quarantine ay posibleng hindi na makatanggap ng ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Screenshot mula sa RTVM video

Sinabi ni Presidential Spokesperson na si Harry Roque na ito ay dahil ang mga tao sa mga GCQ areas ay pinapayagan nang makabalik sa trabaho.

Bagama’t pinayagan na ang ilang industriya na muling makapag-operate sa GCQ areas, nililimitahan pa rin ang bilang ng mga manggagawa na maaaring bumalik sa trabaho dahil sa social distancing na ipinatutupad.

Hinihikayat ang mga employers na magtakda ng mga work-from-home arrangements.

Ang planong itigil ang cash aid distribution sa GCQ areas ay taliwas sa naunang pahayag ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista.

Sa isang press briefing noong Abril, sinabi ni Sec. Bautista na ang mga nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP para sa buwan ng Abril ay nananatiling benepisyaryo ng programa sa buwan ng Mayo kahit na ang kanilang lugar ay inilagay sa mas maluwag sa GCQ.

Imahe mula sa DSWD

“Batay sa umiiral na panuntunan, kung sino ang mga makakatanggap, kung sino ang nakatanggap noong first tranche ay sila rin ang benepisyaryo [ara sa buwan ng Mayo. Dalawang buwan ipatutupad ang SAP,” paliwanag ng kalihim.

Nilinaw naman ni Roque na hindi pa pinal ang desisyon na itigil na ang pamamahagi ng 2nd tranche ng emergency cash subsidy sa GCQ areas.

“There is no final decision yet but it seems that we are leaning towards that because we have opened the economy in areas under GCQ and people in GCQ areas can return to work. That is not yet final but it is possible because we have increased the number of SAP beneficiaries. It is now 23 million (households) instead of 18 (million) so, of course, the superseding event is many of our countrymen under GCQ can now work,” aniya.

Imahe mula sa DSWD

Loading…