Distributor ng “overpriced” medical equipment, pinasisilip ni Pang. Duterte sa NBI

  • Overpricing ng medical equipment para sa COVID-19 testing pinaiimbestigahan ni Pang. Duterte sa NBI
  • Ibinilin ng Pangulo sa NBI na pag-aralang mabuti kung totoong may overpricing na naganap
  • Nauna nang hiniling ni Rep. Janette Garin, dating health secretary, kay Pangulong Duterte na paimbestigahan ang kumpanya na nagbebenta ng overpriced medical equipment

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa isang kumpanya na exclusive distributor sa bansa ng testing kits at machines na diumano ay “overpriced” na ibinebenta.

Imahe mula sa PCOO

Ang nasabing kumpanya, Omnibus Bio-Medical Systems Inc., na pag-aaari ng mag-asawang Van William at Evelyn Co, ang exclusive distributor ng reverse transition polymerase chain reaction machines na ginagamit sa COVID-19 testing mula sa Sansure Biotech ng China.

“NBI should study the matter very, very carefully kasi alam mo — alam mo itong mga p***** i**** negosyanteng ‘to, whether it’s really an issue of humanity and their greed, ‘yung hoarding na ano you cannot — it’s part of the business ano… practices, which you may call not even obnoxious, it’s repulsive to the human mind when you start to think about it,” sabi ni Pang. Duterte

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay  hiniling ni dating Health secretary na ngayon ay Senior Deputy Minority Leader and Iloilo Representative Janette Garin na imbestigahan ang kumpanya.

“This couple has been barring the importation of much-needed automated extractor machines,” pahayag ni Rep. Garin.

Imahe mula sa Manila Times

Dahil dito ay bumagal daw ang COVID-19 testing ng bansa.

“President Duterte, pakitingnan po ang anomalyang ito sa importation ng automated extractor machines para matauhan ang mga ito,” sabi pa ni Garin.

Isiniwalat naman ni Department of Budget and Management Undersecretary Lloyd Christopher Lao kay Pangulong Duterte na nag-invoke ang Omnibus Bio-Medical ng pagiging exclusive distributor ng medical equipment ng Sansure upang harangin ang pamahalaan na direktang bumili sa China-based company.

Nagbayad umano ang pamahalaan ng P4 million para sa polymerase chain reaction COVID-19 tests na binili sa Omnibus samantalang ang pribadong Project Ark ay nakabili ng kaparehong produkto mula sa Sansure sa halagang P1.5 million lang.

Loading…