DOTr ginamit ang trending na linya ni Kim Chiu upang ipaalala ang MECQ guidelines

Imahe mula sa Facebook | DOTr
  • Naaliw ang netizens sa paalala na ibinahagi ng Department of Transportation tungkol sa modified enhanced community quarantine
  • Isinulat kasi nila ito kagaya ng trending ngayon na linya ni Kim Chiu
  • Ayon sa netizens, makatutulong ang humor sa panahon ngayon

Kinaaliwan ng netizens ang paalala ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa mga guidelines sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Isinulat kasi nila ito kagaya ng trending ngayon na linya ng aktres na si Kim Chiu.

“Sa Modified ECQ, may batas. Kung hindi ka APOR(Authorized Persons Outside of Residence), bawal kang lumabas. Kung high-risk at vulnerable ka, bawal kang lumabas,” panimula nila.

“Pero merong exemptions. Pero kapag nag-comply ka, binago mo ang dating nakagawian mo, sa sasakyan nag-social distancing ka, at ma-flatten ang curve agad, kung mag-announce ulit ang IATF, ‘Ayyy, pwede ka na palang lumabas.”

Sa kanilang caption ay ipinaliwanag naman nila ang ibig sabihin nito. Sa lugar na nasa ilalim ng MECQ ay hindi pa rin daw pinapayagan ang pampublikong transportasyon at mananatiling limitado ang ilang serbisyong pantransportasyon.

Kapag nag-desisyon daw ang mga employer na papasukin ang kanilang mga empleyado, dapat silang magbigay ng shuttle service sa mga ito.

“Kapag hindi kayang mag-provide ng sariling transport ang mga kompanya, sila ay pinapayuhan na huwag na munang magbukas,” saad ng DOTr.

Imahe mula sa Facebook | DOTr

Hinihikayat din nila ang paggamit ng mga bisikleta at non-motorized na uri ng transportasyon.

Bukod dito ay hindi pa rin pinahihintulutan ang mga domestic flights habang ang international flights naman ay para lamang sa mga pauwing Pilipino at kanilang pamilya.

“Kapag nag-comply ka sa mga ito na kabilang sa batas na pinaiiral ngayon, ginawa mo ang mga importanteng measures ngayong panahon ng #NewNormal, at tuluyan nang ma-flatten ang curve, aba! Pwede ka na uli lumabas,” pagtatapos nila kalakip ang hashtag na Good Vibes Friday.

Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang good vibes na hatid ng kaniang paalala. “Thank you po sa humor. We will heal as one,” ani J. Beltran.

“Ayos. Salamat po, DOTr sa pag-Tagalog. Mas maraming Pilipino ang makaiintindi ng MECQ. Sariling bayan, batas Tagalugin,” komento naman ni C. Mata.

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…