DOTr hinihikayat ang mga stranded na mag-aaral na mag-sign up para sa kanilang ‘Hatid-Estudyante’ program

  • Kasalukuyang pinaplantsa ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang programa upang mapauwi ang mga standed na mag-aaral dulot ng enhanced community quarantine
  • Hinihiyakat nila ang mga stranded na estudyante na mag-sign up para sa kanilang “Hatid-Estudyante” program
  • Kapag aprubado na ng IATF ang programa ay agad umano silang kikilos upang makasama na ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga pamilya sa probinsiya at bayan na pinanggalingan

Kasalukuyang pinaplantsa ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang programa upang tulungan na makauwi ang mga standed na mag-aaral dulot ng enhanced community quarantine.

Imahe mula sa DOTr

Sa anunsiyo na inilabas ng ahensiya noong May 5, hinihikayat nila ang mga-aaral na mag-sign up sa isang Google form at magbigay ng kani-kanilang impormasyon para tuluyang maisulong ang “Hatid-Estudyante” program.

“Gagawa ‘ho kami ng isang programa upang matulungan itong mga stranded na estudyante na makabalik sa kanilang mga probinsiya. Gagawin po namin ‘yan. Once approved by the IATF, we will immediately launch this program. Thus, we are already preparing,” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.

Itinalaga ni Tugade sina Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, at Assistant Secretary For Road Transport and Infrastructure Mark de Leon bilang mga tagapangasiwa at taga-implement ng nasabing programa.

“We will be starting this Hatid-Estudyante Program for these stranded students and come up with an online platform for them to enroll in the program so that we will know how many we need to ferry and to what locations,” sabi pa PPA GM Santiago.

Kinakailangan lamang ng mga mag-aaral na mag-sign up at magbigay ng kanilang detalye sa online enrollment platform na inihanda ng DOTr.

Imahe mula sa Pixabay

Para maisagawa ito, maaari lamang na pumunta ang mga mag-aaral sa link na ito —   Hatid Estudyante Program

“Let us take care of the stranded students and bring them home through air, land and sea travel,” ani Tugade.
Dagdag pa niya, “Kawawa naman sila. Intindihin natin ang hirap kung tayo ang nasa kalagayan nila. Pag-isipan natin kung paano natin sila matutulungan.”

Source :

DOTr, Inquirer, GMA

Loading…