DTI pinapayagan na ang delivery ng ‘next essential’ items tulad ng housewares, appliances, at damit sa ECQ areas

  • Maaari na uling mag-deliver ng ‘next essentials’ sa mga lugar na may ECQ ayon sa DTI
  • Marami daw kasi ngayon ang kailangan ng ilang bagong kagamitan sa bahay maliban sa pagkain, disinfectants, at medical needs
  • Dahil dito, nakapagsagawa na rin ng sale ang online shopping app na Lazada para sa May 5 o 5-5

Pansamantalang hindi nagawa ng mga netizen ang isa sa kanilang paboritong gawin, ang pagbili ng mga bagay online. Ito ay dahil sa paglilimita ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpahintulot sa delivery ng mga bagay. Noong mga unang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ), mga essential goods gaya ng pagkain at disinfectant lang ang pinapayagan.

Ngunit sa bagong extension ng ECQ, nagluwag na ang DTI sa mga bagay na maaaring i-order online at i-deliver. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maaari nang dalhin ng mga delivery services ang order ng mga netizen sa kategoryang ‘next essentials.’

Larawan mula sa PNA

Sa klasipikasyon ng DTI, ang mga bagay na maituturing na next essentials ay ang hardware products, clothing at accessories, housewares, appliances, at maging mga pet at veterinary products. Ito raw ay epektibo kahit sa mga lugar na umiiral pa rin ang ECQ.

Ang pagpapalawig daw ng DTI sa listahan ng mga bagay na maaaring i-deliver ay pagtugon nila sa pangangailangan ng mga mamamayan. Dahil madalas ay sarado ang mga bilihan, may mga bagay na raw na kailangang palitan at bilhin ang mga kababayan natin tulad ng appliances, lalo na’t tag-init sa bansa ngayon.

“Even under the ECQ, we have expanded items that can be delivered. Since nag-extend po ang ECQ, we recognize that many of our kababayans will be needing more items beyond essentials, so we are going to next essentials,” sabi ni Lopez sa isang pahayag.

“No we have included hardware products… pati na rin po appliances dahil kailangang i-repair or palitan ang knailang mga appliance, ay ina-allow po sa delivery mode,” sabi ni Lopez.

Larawan mula sa Freepik

Kaugnay nito, ang kilalang online shopping application na Lazada nga ay nagkakaroon pa ng 5-5 (May 5) sale matapos ang isang buwang hindi pagsasagawa ng kanilang monthly sale na inaabngan ng kanilang customers dahil malaking tipid ang handog nilang discounts.

Masaya naman ang mga netizen lalo na sa mga lugar na sakop ng ECQ na bukas nang muli ang delivery ng ilang bagay. Ayon sa kanila, marami daw silang items na hindi mabili noong mga unang linggo ng ECQ na kailangan nila sa bahay at trabaho.

Loading…