
- Wuhan City magsasagawa ng malawakang COVID-19 testing sa mga residente
- Target ng city government na ma-test ang 11 million residents sa loob lang ng 10 days
- Ang testing drive ay kasunod ng pagkakadiskubre ng anim na residente na positibo sa COVID-19, ang lima ay asymptomatic
Nakatakdang isailalim sa coronavirus testing ang 11 million residents ng Wuhan City sa China matapos magkaroon ng panibagong kaso ng COVID-19 infections sa siyudad sa kabila ng ipinatupad na 76-day lockdown.

Matatandaang sa Wuhan City unang nagkaroon ng COVID-19 cases bago ito lumaganap sa buong mundo.
Bagama’t wala pang opisyal na pahayag, kinumpirma ng mga district officials na nakatanggap na sila ng “marching orders’ mula sa coronavirus task force ng siyudad. Hindi pa rin malinaw kung kailan isasagawa ang malawakang testing campaign.
Ang order ay inilabas kasunod ng pagkakadiskubre na positibo sa COVID-19 ang anim na residente ng isang residential compound sa siyudad. Ang lima sa kanila ay asymptomatic o walang sintomas na ipinakikita.
Ayon sa ulat na nailathala sa China-run media outlet na The Paper, magsasagawa ng nucleic acid testing sa lahat ng residente ng Wuhan City sa loob lang ng sampung araw.
Sa pamamagitan ng nucleic acid trest, ang genetic code ng virus ay agad nade-detect, Mas epektibo umano ito lalo na sa early stages ng infection kays sa mga test kung saan sinusuri ang immune response ng katawan sa virus.
Ang ambisyosong testing campaign ay tinawag na “ten-day battle.”

Ang isasagawang tests ay libre at boluntaryo, ayon sa mga residente. Ang testing campaign ay ipinapahayag sa pamamagitan ng flyers, loudspeakers at sa social media.
Bagama’t plano ng mga awtoridad na ma-test ang lahat na 11 million residents, bibigyan nila ng prayoridad ang mga nasa ilalim ng “high-risk categories “kabilang ang ma estudyante, medical workers, supermarket workers at mga biyahero.
Tatargetin din ng city government ang mga residential compounds na maraming matanda at mga komunidad na malaki ang populasyon.
