Enchong Dee ibinahagi ang kuwento sa likod ng trending na larawan nila ni Piolo Pascual

Imahe mula sa YES! Magazine
  • Ibinahagi ni Enchong Dee ang istorya sa likod ng nag-viral na larawan kung saan makikita siyang nakatitig kay Piolo Pascual
  • Aniya nagbabahagi sa kanila ng payo si Piolo nang kunan ang larawan na iyon
  • Game naman ang aktor at sinakyan pa ang trend noon sa pamamagitan ng pag-edit ng sarili niyang bersyon ng larawan

Matapos ang ilang taon ay ikinuwento ng aktor na si Enchong Dee ang istorya sa likod ng viral na larawan kung saan makikitang nakatitig siya kay Piolo Pascual.

Imahe mula sa YouTube | Enchong Dee

Sa kaniyang vlog na “Reacting to controversial posts about and by me” ay sinabi ni Enchong na kinuhanan ang larawang iyon sa isang run. Tinanong daw nila si Piolo kung ano ang sikreto nito sa pagiging matagumpay sa showbiz sa loob ng maraming taon.

“Kasi kaming tatlo, ang question naming tatlo nina Rayver Cruz at saka Gerald Anderson, ‘How was Piolo Pascual able to sustain his popularity for decades?’” ani Enchong.

Dagdag niya, nang kuhanan ang larawan ay nagbibigay ng payo sa kanila si Piolo. “Bilib na bilib kami sa kaniya in terms of that so this was the time that he was giving some advice tapos nakatingin lang ako sa kaniya. It’s like admiring what he was saying and then someone took a photo,” saad ng aktor.

Ayon sa Pep, YES! Magazine, ang print counterpart nila ang kumuha ng larawan.

Sabi pa ni Enchong, wala namang malisya sa larawan ngunit sinimulan itong i-repost ng mga tao.

Imahe mula sa YouTube
Enchong Dee

“People started retweeting it and people think that it’s funny, people think it’s gay. I think people were also making fun of ‘find someone who would look at you like Enchong looks at Piolo,’ Something like that,” sabi niya.

Hindi naman kinainisan ni Enchong ang mga nagkalat ng larawan na ito. Sa katunayan ay nag-edit din siya ng sariling bersyon noon kung saan ipinalit niya sina Vice Ganda at Pooh kay Piolo

“It was actually funny. I was really admiring what he was telling me that time. For what it’s worth, I’m sure you had a good meme and good laugh for it so I’ll give you that,” sabi ng aktor.

Source :

YouTube, PEP

Loading…