Enchong Dee nanghiram kunwari ng P3 milyon sa celebrity friends; apat na kaibigan pumayag

  • Trending ngayon sa social media ang prank ng actor na si Enchong Dee sa mga kapuwa celebrities
  • Kunwari ay nangungutang siya ng tatlong milyong piso sa mga ito at pumayag naman lahat ng kaibigang nakausap
  • Dahil dito, napa-sana all ang netizens dahil sa pagiging mapalad ni Enchong sa pagkakaroon ng mabubuting kaibigan

Maraming celebrities na ang sumabak sa larangan ng video blog o vlogging. At dahil maraming artista ang hindi nagtatrabaho ngayon dahil sa umiiral na enhance community quarantine (ECQ), may ilang patuloy na nagpapasaya sa kanilang fans sa pamamagitan ng video nila sa social media accounts.

Isa sa mga may trending videos ngayon ay ang Kapamilya actor na si Enchong Dee. Pinakita niya kasi sa kanyang vlog ang nakatatawang eksena sa kunwari ay panghihiram niya ng P3 milyon sa kanyang mga celebrity friends.

Larawan mula sa video ni Enchong Dee

Tinawagan niya ang pitong kaibigan sa showbiz ngunit apat lamang ang sumagot dahil abala sa trabaho ang ilan. Ginawa kasi ni Enchong ang prank call bago pa magdeklara ng ECQ kaya may trabaho pa ang ilang celebrities.

Hindi nasagot nina Bea Alonzo, Rayver Cruz, at Janine Gutierrez ang tawag ni Enchong. At sa lahat, ang prime Kapamilya leading man na si Enrique Gil ang unang nagpaunlak kay Enchong. Agad na sinabi ni Enchong kay Enrique ang kunwari’y kinahaharap na pagkalugi ng kanyang resto business dahil sa C0VID-19.

Hindi nag-atubili si Enrique na um-oo kay Enchong at pahiramin ito. Pero bilang bahagi ng prank, agad na sinabi ni Enchong na ang pera ay ipambabayad niya sa biniling Lamborghini. Dito na nagtaka si Enrique at ibinunyag na rin ni Enchong na kungwari lang ang lahat.

Sunod na sumagot sa tawag ay si Maja Salvador. Kahit kauuwi lang galing sa trabaho, nagpaunlak si Maja at sinabing isang milyon lang ang kaya niyang ipautang kay Enchong. Nang sabihin ni Enchong na bibili siya ng Lamborghini mula sa perang nahiram, agad na nabuko ni Maja na prank ang lahat. Kilala niya raw kasi si Enchong bilang kuripot kaya hindi ito bibili ng luxury car kahit anong mangyari.

Larawan mula sa video ni Enchong Dee

Sermon naman ang nakuha ni Enchong sa dating leading lady na si Erich Gonzales. Bagaman ready si Erich na magpahiram kay Enchong at iche-check ang kanyang bank account, nang ibunyag ni Enchong na prank lahat, sinabi ni Erich na ‘not cool’ daw ang ginawa ni Enchong.

Huli namang natawagan si Gerald Anderson. Nasa meeting pa ang aktor pero agad na kinausap ang kaibigan na si Enchong. Handa ring magpautang si Gerald kay Enchong pero hindi niya napigilan ang tawa nang ilahad ni Enchong na biro lang ang lahat.

Bandang huli, sabi ni Enchong, mapalad siyang magkaroon ng mga kaibigang handang magpahiram sa kanya ng pera anumang oras. Napa-sana all naman ang netizens at sinabing sana lahat ay mayaman ang kaibigan.

Panoorin ang prank call ni Enchong sa mga kaibigan sa industriya:

PRANK CALLING MY FRIENDS! (SINONG NAGPAUTANG SA'KIN?) | Enchong Dee

I tried pranking Erich Gonzales, Bea Alonzo, Maja Salvador, Enrique Gil, Gerald Anderson, Janine Gutierrez and Rayver Cruz. This video was shot right before the quarantine was announced, and no offense is meant to anyone in any way. I hope you get a good laugh out of their reactions! #EnchongDee #PrankCallFollow me:YouTube – https://www.youtube.com/EnchongDeeOneAndOnlyTwitter – https://www.twitter.com/enchongdee777Instagam – https://www.instagram.com/mr_enchongdeeFor business inquires – hello@digiworx-mi.com

Posted by Enchong Dee on Thursday, April 30, 2020

Loading…