Expectation vs. Reality: Regine Velasquez, Ogie Alcasid ibinahagi ang ‘fail’ moments sa online shopping

Imahe mula sa Instagram | Regine Velasquez at Ogie Alcasid
  • Ibinahagi nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang ‘expectation vs. reality’ experience nila sa online shopping
  • Bumili kasi si Ogie ng salbabida ngunit maliit pala ito sa kaniya
  • Si Regine naman, kaldero ang binili ngunit masyado ring maliit ang dumating

Maging ang mag-asawang singer na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay hindi nakaiwas sa “expectation vs reality” moment ng online shopping.

Imahe mula sa Instagram | Ogie Alcasid

Sa kani-kanilang Instagram account ay idinaan na lamang nila sa biro ang pagkabigo sa kanilang natanggap na items.

Unang ipinost ni Asia’s Songbird ang larawan ni Ogie suot ang donut-designed floater.

“Malaki problema niya. Hindi namin sure kung makalalabas siya riyan,” ani Regine.

Sa isa pang post ay ikinuwento ni Regine na halos paiyak na ang asawa dahil hindi nito maalis ang salbabida. “Actually, hindi ko alam kung kanino ako mag-aalala, sa asawa ko ba na parang hindi makahinga o sa salbabida? Katapusan mo na ba salbabida?” pagbabahagi niya.

“Pero nakalabas naman po siya so all is good. Paalala, wala pong nasaktan o napahamak na salbabida habang ang kuwentong ito ay nilalahad.”

Nagbahagi rin si Regine ng video ni Ogie kung saan makikita siyang suot ang salbabida habang nasa pool.

“Update ko lang kayo. Nag-enjoy muna siya magpalutang-lutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Nakaalis na po siya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida,” biro niya.

 

View this post on Instagram

 

Update ko lang kayo. Nag enjoy muna sya magpalutanglutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Naka alis na po sya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida ??? #salbabidangmaliit

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Ibinahagi rin ni Ogie sa kaniyang Instagramaccount ang larawan ng inaasahan niyang matatanggap na item at ang kaniyang natanggap.

“Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, ito po ang aking side. Umorder ako ng ‘donut life saver’ sa Lazada ngunit laking gulat ko na ito ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin,” kuwento niya.

Samantala, maging si Regine ay may sariling “fail moment” din sa online shopping.

Kuwento ni Ogie, nag-order si Regine ng kaldero ngunit masyadong maliit ang dumating sa kanila.

“‘Wag kang masyadong magmalaki, mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo’y pagkalaki-laki. But no, ang liit pala niya,” pang-aasar ni Ogie.

May ganitong karanasan ka rin ba sa online shopping?

Imahe mula sa Instagram | Ogie Alcasid

 

Loading…