Fanny Serrano nagpaalala sa mga kabataang mahilig mag-TikTok

  • May paalala si Fanny Serrano sa mga mahilig gumamit ng TikTok
  • Maging responsable raw sana ang lahat sa pagpo–post ng kanilang video
  • Dagdag pa niya, “You are what you post”

Sa halos dalawang buwang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao, isa sa mga napagdiskitahan ng mga Pilipino ang paggamit ng mga social media platforms, video conferencing apps, at video–sharing app, katulad na lamang ng patok na patok ngayon na “TikTok”.

Napakarami na ngang mga lalaki, babae, bata, matanda, karaniwan, at sikat na mga tao ang gumagamit ngayon ng TikTok upang maibsan ang pagkabagot, o maghatid ng saya sa sarili at maging sa iba.

Pati ang mga frontliners ay gumagamit na rin nito. Subalit may paalala sa mga taong mahilig mag–TikTok ang make up artist na si Fanny Serrano, batay sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Public Domain Image

Aniya, maging maingat pa rin sana ang mga “TikTokers” sa pagpo–post ng kanilang mga video.

Karamihan daw kasi sa mga napapanood niya, tila halos “makita na ang kaluluwa” sa pagsayaw ng sexy at mapang–akit sa harap ng camera. Hindi raw kanais–nais, lalo na sa kabataan, na “ibuyangyang” ang kaniyang katawan sa social media.

“Ano ba talaga ang goal ng mga sexy postings ninyo sa panahong ito na ang buong mundo ay nagdaramdam dahil sa COVID-19? Maliligtas ba sa virus ang sinumang makakakita ng sexy posting ninyo na iyon? Kung ganoon nga ang magiging effect ng posting ninyo eh di GO!” sabi ni Serrano.

Dagdag pa niya, “Kasi, maraming underage ang gumagala ngayon sa social media at nakikita yang mga pinopost ninyo! Baka sarili ninyong mga parents, mga anak or younger brothers and sisters ninyo ang nakakakita! Feeling ninyo ba ay nag-e-enjoy ang lahat ng netizens sa mga postings ninyo? I’m so sorry pero nagpapaalala lang po ako na baka mapagkamalan kayo!”

Ipinapaalala rin ni Serrano sa lahat na “You are what you post” kaya dapat ay maging maingat sa pagpo-post ng mga larawan o video sa social media, dahil maaari itong magamit laban sa isang tao.

Public Domain Image
Source :

PEP, Remate

Loading…