Fashionista pa rin kahit quarantine: Facemask na kita ang labi para kita rin ang lipstick, ibinida sa social media

  • Viral ngayon sa social media ang isang uri ng facemask na bagay daw sa mga kikay at fashionista
  • Kita kasi ang labi sa nasabing facemask dahil transparent na plastic ang ginamit sa bandang bibig
  • Bagay daw ito sa mga nais makita ang kanilang lipstick o lip tint o ‘di kaya naman ay sa mga palangiti

Taon-taon ay inaabangan ng mga fashionista at mahilig pumorma ang mauusong damit at style. Nariyan ang in na kulay at hairstyle. Pinang-uusapan din ang mga patok na damit at sapatos. Maging ang mauusong makeup at ayos ay napag-uusapan din.

Pero wala yatang fashion icon o stylist ang nakahula o nakapagsabi na ang facemask ang mauusong fashion ngayong taon dahil sa pandemic. Dumaan pa nga sa puntong nagkakaubusan ng facemask sa mga tindahan at pharmacy dahil lahat ay gustong proteksiyunan ang kanilang mga sarili.

Larawan mula sa Facebook post ni Thazin Maw

At dahil kalahati ng mukha mo ay natatakluban ng facemask, may iba na tila nadydyaheng isuot ito lalo na yung mga gustong pumorma. Kaya naman gumawa ng paraan ang isang netizen para ipakita sa lahat na kaya pa ring umawra kahit may quarantine.

In-upload ng netizen na si Thazin Maw naTaga-Burma sa kanyang Facebook account ang kakaibang facemask. Kita kasi ang labi mo rito dahil transparent na uri ng plastic ang inilagay sa bandang bibig kaya naman protektado pa rin.

Bagay daw ang facemask na ito sa mga gustong magsuot ng proteksiyon ngunit gusto pa ring mag-lipstick papalabas ng bahay. Kita nga naman ang shade ng lipstick ng sinumang magsusuot nito, kompara sa normal na facemask na magiging sanhi pa ng pagkabura ng kolorete mo sa iyong labi.

Perfect din umano ang facemask na ito sa mga taong gustong ibida ang kanilang smile. Makikita rin kasi ang bibig mo kapag tumawa o ngumiti ka dahil may kalakihan ang transparent na plastic na bahagi ng facemask.

Larawan mula sa Pexels

Dahil dito, agad na nag-viral sa Facebook ang panalong facemask. Umabot lang naman sa higit 8,200 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 2,300 comments, at 12,000 shares ang nakuha ng larawan. Sana raw ay nabibili na rin ito sa Pilipinas.

Kanya-kanyang tag rin ang mga netizen sa kanilang mga kakilala na lipstick at lip tint is life. Ito na raw ang sagot sa mga gusto pa ring pumorma at magpaganda kahit may quarantine lalo na ngayong pinapayagan na rin ang makapasok sa ilang opisina.

Loading…