Fil-Am Francisco Martin pasok sa American Idol Top 10; napaluha ang huradong si Katy Perry sa kanyang performance

  • Pasok pa rin sa kompetisyon ang may dug0ng Pinoy na si Francisco Martin sa American Idol
  • Muli nga siyang nagpabilib sa isang emosyonal na rendisyon ng kanta ni James Arthur
  • Napaluha pa ang pop star at huradong si Katy Perry dahil damang-dama nito ang awitin ni Francisco

Patuloy na nagpapasiklab ang Filipino-American na si Francsico Martin sa singing competition na American Idol. Matapos maging fan at judges’ favorite noong audition at iba pang stage ng contest, pasok na ngayon sa Top 10 ang lahing Pinoy na singer.

Matapos ang ginawang nationwide vote, pasok si Francisco sa Top 10 ng American Idol na may kakaibang season dahil sa bahay nagtatanghal ang mga contestant dahil sa pandemic. Huling tinawag si Francisco bilang bahagi ng Top 10 pero in no particular order daw ang pag-anunsiyo ng mga makapapasok.

Larawan mula sa video ng American Idol

Matapos nito, agad na inawit ni Francsico ang kanyang piyesa para sa susunod na round. Binigyan niya ng sariling timpla ang isang hit single ng X Factor UK winner na si James Arthur na “Falling Like Stars.” At katulad noong mga nakaraang pagtatanghal, muling pinabilib ni Francsico ang mga hurado.

Isa sa mga pinakanaapektuhan ng pagtatanghal ni Francisco ay ang pop icon at huradong si Katy Perry. Napaluha pa si Katy at sinabing ramdam na ramdam niya ang emosyon ni Francisco sa kanyang naging performance.

“When you sang those lines about having four kids and then one on each knee, I was like—yeah   sure it was horm0nes, but it was believability too. It was real believability and I felt it,” pahayag ni Katy kay Francisco.

Sinabi naman ng isa pang RNB icon at huradong si Lionel Richie na dahil unti-unti nang nawawala ang kaba ni Francisco, lalo itong gumagaling. Tinawag pa niya ang 19-anyos na American Idol hopeful bilang isang “true talent.”

Larawan mula sa video ng American Idol

Sa susunod na Linggo, Lunes dito sa Pilipinas, ay iaanunsiyo naman kung sino-sino ang makapapasok sa Top 7 ng kompetisyon. Nagaganap ang botohan para sa mga mag-a-advance sa susunod na round.

Nagkaroon naman ng twist ang American Idol bago matapos at nagkaroon ng judge’s save kung saan isa sa mga natanggal ang nakabalik upang mabuo ang Top 11 imbes na sampung finalists lamang. Inaasahang sa loob ng tatlong linggo ay mayroon nang bagong winner ang American Idol at hiling ng Pinoy fans, sana si Francisco na ito.

Panoorin ang pagtatanghal ni Francisco sa American Idol Top 10:

Loading…