Fish vendor na nahuli dahil walang travel pass, binigyan ng side car ni Coco Martin

Imahe mula sa Facebook | Vincent Go at ABS-CBN News
  • Nakatanggap ng side car mula kay Coco Martin ang fish vendor na nakulong sa Navotas dahil wala siyang travel pass upang makapunta sa fish port kung saan siya kumukuha ng paninda
  • Matapos ang 11 araw na pamamalagi sa holding facility sa Navotas ay nakalaya rin siya
  • Sa tulong ng mga mabubuting loob ay nakabalik na rin siya sa pagtitinda

Naaalala mo ba ang fish vendor mula sa Caloocan na 11 araw na namalagi sa holding facility ng Navotas dahil wala siyang travel pass upang makapunta sa fish port?

Imahe mula sa YouTube | ABS-CBN News

Matapos na makalaya ay nakabalik na sa pagtitinda ang 58 anyos na si Mang Dodong Jimeda sa tulong na rin ng mga mabubuting loob na nag-abot ng tulong sa kaniya.

Isa na rito ang Kapamilya actor na si Coco Martin na nagbigay sa kaniya ng side car upang mas maging madali ang pagbibiyahe at pagkuha niya ng isda mula sa fish port. Bukod dito ay may nagbigay na rin sa kaniya ng cellphone, relief goods, at pinansiyal na tulong.

Mayroon na rin siyang temporary travel pass upang makabiyahe patungong fish port. “Sa lahat ng tumulong sa akin, maraming salamat sa kanila,” aniya.

Ang netizen na si Vincent Go ang nagbahagi ng kuwento ni Mang Dodong na nag-viral sa Facebook.

Imahe mula sa YouTube | ABS-CBN News

“Dodong, last seen on the night of May 7, was arrested at the Navotas fish port where he buys fish to sell. He was arrested for ECQ violation of not having a valid quarantine pass or travel pass in Navotas even though he had his quarantine pass in Caloocan where he lives,” sabi niya.

Ngayong nakalaya na ay binalikan ni Mang Dodong ang karanasan sa loob ng halos dalawang linggo niya sa loob ng holding facility.

“Marami kami sa loob. Siguro mahigit isang libo ang tao. Magkakatabi lang, siksikan sa loob. Sobrang hirap talaga doon sa loob ng kulungan,” pagbabahagi niya sa isang panayam ng ABS-CBN News. “Sobrang init…Makakain ka lang kung may dalaw.”

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…