Former Senator Jinggoy Estrada, dinakip ng PNP habang namimigay ng relief goods sa San Juan City

  • Inaresto ng mga awt0ridad ang dating senador na si Jinggoy Estrada sa gitna ng isinasagawa nitong relief operations sa San Juan City Linggo ng hapon, May 3
  • Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay San Juan Mayor Francis Zamora, kinumpirma ng alkalde na walang permiso ang dating senador na mag-ikot sa mga barangay
  • Iginiit niya na kinakailangan ng authorization ni Estrada mula sa local government upang magsagawa ang relief operations sa lungsod

Dinakip ng mga awtoridad ang dating senador na si Jinggoy Estrada dahil sa hinihinalang paglabag nito sa enhanced community quarantine protocol, sa kalagitnaan ng pamimigay niya ng relief goods sa San Juan.

Imahe mula sa Facebook video ni Janella Ejercito Estrada

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay San Juan Mayor Francis Zamora, kinumpirma ng alkalde na walang permiso ang dating senador na mag-ikot sa mga barangay at magsagawa ng relief operations ngayong may ipinatutupad na enhanced community quarantine.

“Sapagkat itong si dating Senador Jinggoy Estrada ay ilang araw na pong nag-iikot dito sa lungsod ng San Juan na walang auth0rity,” ani Mayor Francis Zamora.

Iginiit ng alkalde na kinakailangan ng authorization ni Estrada mula sa local government, alinsunod sa guidelines ng DILG, upang maisagawa ang relief operations sa lungsod.

“Kung gusto niyang tumulong sa ating mga mamamayan, ayon sa DILG, kailangang kumuha ng certification sa local government,” aniya.

Sa mga video na in-upload ng anak ni Jinggoy Estrada na si Janella, mapapanood ang dating senador na nakikipag-usap sa mga opisyal sa Eastern P0lice District.

Ilang oras din ang nagdaan nang tuluyang makalabas si Estrada ng police station at saka nagbigay ng opisyal na pahayag sa media.

ATM: Police Station with General Almazan of Eastern Police District.

Posted by Janella Ejercito Estrada on Sunday, May 3, 2020

“Wala po akong perang binibigay. Sinasabi niya mayroon daw akong perang pinamimigay,” giit niya.

“Assuming na totoo ang sinasabi niya, I think there’s nothing wrong. People are hungry, people have no work, we should understand that,” dagdag ni Estrada.

“Unfortunately, this is all about politics,” ani Estrada. Pinabulaan niya ang nauna umanong pahayag ng kampo ni Zamora na namimigay siya ng pera sa kaniyang relief operations.

Sinabi rin ng dating senador na tanging warning lamang ang natanggap niya mula sa mga opisyal dahil umano sa isyu ng social distancing sa proseso ng pamimigay nila ng relief goods.

Batid umano niya na hindi siya makakakuha ng permit mula sa local government kaya naman hahanap na lamang siya ng ibang paraan para makatulong sa mga kababayan.

Full interview of CitiSen Jee

Posted by Janella Ejercito Estrada on Sunday, May 3, 2020

Source :

ABS-CBN, GMA, Facebook

Loading…