From school to hospitals: Mga madre at mag-aaral sa Silang, Cavite, gumagawa ng PPE para sa mga frontliner

  • Nakiisa ang mga madre at mag-aaral mula sa Silang, Cavite sa pagtulong sa frontliners
  • Gumawa sila ng personal protective equipment (PPE) para sa mga medical workers
  • Ayon sa uploader, naipamahagi na raw sa mga 0spital ang ginawa nilang PPE

Dumarami ang kaso ng mga health workers na tinamaan ng C0VID-19. Isa sa mga sinasabing dahilan ay ang kakulangan sa wastong gamit, partikular na ang mga personal protective equipment (PPE). Malaking tulong sa mga nurse at d0ktor na nagsusuot nang tamang damit para maproteksiyunan ang kanilang mga sarili.

Kaya naman maraming indibidwal ngayon ang gumagawa ng paraan upang agad na matugunan ang pangangailangan ng PPE sa mga pagamutan. Isa sa mga sumaklolo ay ang mga mag-aaral at mga madre mula sa isang pribadong paaralan sa Silang, Cavite.

Larawan mula kay Mich Dulce

Ayon sa fashion-designer na naka-base sa London na si Mich Dulce, nagboluntaryo raw ang mga mag-aaral at madre mula sa Sisters of Mary School sa Cavite na gumawa ng PPE para sa mga benepisyaryo ng Manila Protective Gear Sewing Club.

Sa pamamagitan ng samahan, maibibigay ang mga ginawang PPE ng mga mag-aaral at madre sa mga 0spital na lubhang kailangan para sa kanilang mga operasyon para sa pandemic. Dahil wala ring pasok ngayon, ito muna ang pinagkakaabalahan ng paaralan.

Kabilang sa ilang mga 0spital na nabiyayaan ng proyektong ito ng Manila Protective Gear Sewing Club ay ang St. Luke’s Medical Center, The Medical City, Lung Center of the Philippines, at iba pang malalaking pagamutan sa Kamaynilaan.

Katuwang din ng samahan ang Office of the Vice President sa pamamahagi nito upang mas malawak pa ang maabot ng mga PPE na ginagawa ng kanilang mga volunteers.

Larawan mula kay Mich Dulce

Dahil sa magandang inisyatibo ng mga madre at mag-aaral, proud na proud naman ang kanilang mga kakilala at mga alumni ng paaralan. Patunay daw ito na nasa anumang larangan, basta nais tumulong ay makakaya at makagagawa ng paraan.

Umani rin ng papuri ang mga mag-aaral at madre mula sa mga netizen na bagaman hindi sila kilala at hindi naman nag-aral sa kanilang paaralan ay lubos na natutuwa sa pakikiisa nila para sa kaligtasan ng mga frontliners.

Loading…