From viral to victory: Kim Chiu, nagpasalamat sa netizen na nagbigay ng ideyang gumawa ng full version ng trending na ‘Bawal Lumabas’

Imahe mula sa YouTube | Kim Chiu
  • Nagpasalamat si Kim Chiu sa netizen na nagsulat ng open letter para sa kaniya
  • Aniya, tinulungan siya ng liham na ito na tingnan ang bright side ng mga bagay matapos siyang makatanggap ng matinding pambabash
  • Ang netizen na ito ang sumulat ng ilang bahagi ng full version ng ‘Bawal Lumabas’ ni Kim

Malaki ang pasasalamat ni Kim Chiu sa isang netizen na tumulong sa kaniyang makaahon sa itinuturing niya isa sa lowest points ng kaniyang buhay.

Imahe mula sa YouTube | Kim Chiu

Sa kaniyang vlog, ibinahagi ni Kim na idinistansya niya ang sarili mula sa social media dahil sa masasakit na komentong ibinabato sa kaniya ng ilang netizens. Ngunit nang magbasa ng mga mensahe ay nakita niya ang open letter na isinulat ni Adrian Crisanto.

Sa open letter na ito ay binigyan ni Adrian si Kim ng mga ideya na makatutulong sa kaniya upang muling makabangon. Aniya nakagawa ang aktres ng “genius marketing idea” na maaaring gamitin sa paggawa ng kanta, TikTok dance challenge, online talent show, merchandise, at make-up line.

“I will be very happy if you can spin your situation around and serve lemonade to the trolls. From viral to victory. From trending to treasure. Imagine the very thing they’re trying to destroy you with is also the same thing that will build you and other people up,” ani Adrian sa post.

Malaki ang pasasalamat ni Kim kay Adrian dahil binuhat daw siya nito at inilagay sa kabilang anggulo ng mga bagay. “Hinanap ko siya and I just wanted to say thank you… for picking me up in my lowest,” sabi ng naluluhang si Kim.

Imahe mula sa YouTube | Kim Chiu

Pag-amin naman ni Adrian, hindi siya fan ni Kim ngunit aniya, “na-realize ko you don’t have to be a fan of someone to respect that person.”

“I really wanted kasi na as much as possible, makita natin yung good from something that is bad. Yun yung gusto kong gawin,” dagdag niya pa.

Si Adrian ang kumumpleto ng mga titik sa full version ng “Bawal Lumabas” ni Kim na nilapatan naman ng beat ni DJ Squammy.

Panawagan naman ni Adrian sa bashers, sana ay piliin na lang nilang maging mabuti. “Kindness is really a decision. We have to decide to be kind. Yung oras na gugugulin mo sa pag-post ng napakasasamang words, take it as a time to step back at isipin mo, tama ba tong gagawin ko?”

 

Source :

YouTube, Facebook

Loading…