Frontliner ibinahagi ang dobleng kalbaryo dahil sa init sa ilalim ng PPE

Imahe mula sa Philippine Star | Marvinson Hermogino Aquino
  • Kakaibang init ang nararamdaman sa iba’t ibang parte ng bansa kaya naman dumadagdag ito sa hirap ng sitwasyon ng mga frontliner na lumalaban sa COVID-19
  • Dahil sa suot na personal protective equipment ay lalong naiinitan ang mga healthcare worker, dahilan upang pagpawisan sila nang todo
  • Ibinahagi ng isang doktor ang sitwasyon nila sa isang video na ipinost ng Philippine Star

Ramdam mo rin ba ang kakaibang init ng panahon? Isa ito sa mga hirap na kinahaharap ngayon ng ating mga frontliners na kinakailangang magsuot ng patung patong na personal protective equipment (PPE) upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19.

Imahe mula sa Philippine Star | Marvinson Hermogino Aquino

Ibinahagi ng Philippine Star kung gaano katindi ang pawis na naiipon sa loob ng PPE suit ni Dr. Marvinson Hermogino Aquino.

“Every 15 minutes po, nagtatanggal kami ng pawis na naipon dahil sa sobrang init,” kwento ni Dr. Aquino sa Philippine Star. Kalakip nito ang video na nagpapakita ng pawis ng doktor.

Dahil dito ay lalong napahanga ang mga netizens sa sakripisyo ng mga frontliner. Hiling nila, sana ay hindi mapahamak ang mga healthcare worker sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.

“God bless the doctors and nurses and all the frontliners. They are our modern heroes fighting the unseen COVID-19. God will protect you,” komento ni Jimmy D.

Imahe mula sa Philippine Star | Marvinson Hermogino Aquino

Samantala, hiling naman ng iba, sana ay magkaroon na ng bakuna para sa COVID upang maibsan ang paghihirap ng mga healthcare worker. “Better working conditions will be the best ‘thank you’ to our health workers. Let’s push for better salary and benefits, among others. Salamat po sa serbisyo,” ani Jam L.

Ang ilan naman, nagbahagi ng panalangin para sa mga magigiting na frontliner. “May the Lord protect all our Health Workers from getting sick in this situation,” sabi ni A. Glenn.

“God bless you po, our beloved frontliners. Indeed, Jesus has not abandoned His people. He is personified in you,” dagdag ni G. Eman.

Panoorin dito ang video:

Loading…