‘Ginataan moment’ nina Bossing Vic Sotto at Baby Tali, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang ‘ginataan moment’ ng mag-amang Vic Sotto at Baby Tali
  • Sa isang Instagram post ni Pauleen Luna-Sotto, makikita kung paano kinasabikan ni Baby Tali ang pagkain ng masarap na meryenda
  • Ngunit tinakam muna siya ng kaniyang Daddy Vic na lalong naging hawig kay George Clooney dahil sa puting buhok nito

Isang nakaaaliw na tagpo sa pagitan ng mag-amang sina Vic “Bossing” Sotto at Baby Tali ang ibinahagi ng ilaw ng kanilang tahanan na si Pauleen Luna-Sotto.

Sa isang Instagram post, may tatlong larawang ibinahagi si Pauleen kung saan makikita kung paano tinakam ni Bossing ang kaniyang bunsong anak ng isa sa mga paboriting meryenda ng mga Pilipino — ang minatamis na ginataang halo-halo.

Imahe mula sa Facebook page ni Marie Pauleen Luna-Sotto

“Tali, Daddy and the ginataan,” ayon sa pambungad na caption ni Pauleen.

Sa unang larawan, makikita sa mukha ni Baby Tali kung gaano na siya natatakam sa masarap na meryenda na akala niya ay isusubo na sa kaniya ni Bossing. “1st pic: Wow! Yummy!” dagdag ni Pauleen.

Sa ikalawang larawan, nilakihan na ni Baby Tali ang kaniyang pagnganga upang matikman na ang minatamis na meryenda.

“2nd pic: Open mouth ‘aaaah,’” dagdag pa nito.

At sa ikatlong larawan, makikita kung gaano kadismayado si Baby Tali dahil ‘pinaasa’ lamang pala siya ng kaniyang Daddy Vic.

“3rd pic: Ay! Si daddy ang kumain,” kuwento ni Pauleen.

Pinusuan at kinatuwaan ng mga netizen ang nakaaaliw na tagpong iyon ng mag-ama. Siyempre, ibang kasiyahan para kay Baby Tali na mas mahabang panahon ang ginugugol sa kaniya ng mga magulang sa panahon ng community quarantine.

Imahe mula sa Facebook page ni Marie Pauleen Luna-Sotto

Samantala, bukod sa kapansin-pansin ang pagiging malusog ng cute na anak nina Bossing at Pauleen, ay kapansin-pansin din ang namumuting buhok ng beteranong aktor at TV host kaya lalo raw itong naging kamukha ng Hollywood actor na si George Clooney.

Maraming salamat, Pamilya Sotto, sa patuloy ninyong pagbibigay ng good vibes sa mga netizen sa gitna ng COVID-19.

 

View this post on Instagram

 

Tali, Daddy and the ginataan. 1st pic: Wow! Yummy! 2nd pic: Open mouth “AAAAH” 3rd pic: Ay! Si daddy ang kumain ? Thank you Mimi @bangshang7 for always sending us yummy food!

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Loading…