GMA Kapuso Foundation may paglilinaw sa publiko; pagbibigay ng ayuda ay serbisyong totoo

  • Nagpaliwanag ang GMA Kapuso Foundation
  • Wala umano silang sinusuportahang politiko o partido
  • Wala silang kandidato at walang kinikilingan; serbisyong totoo lamang

Isa ang GMA Kapuso Network sa mga tv stations na hindi lamang naghahatid ng mga detalyado at komprehensibong balita at nagbibigay ng entertainment sa kanilang mga tagasubaybay, kundi kilala rin sa pagbibigay ng serbisyong totoo sa bayan sa pamamagitan ng kanilang GMA Kapuso Foundation.

Kaya naman, naglabas ng isang pahayag ang GMA Kapuso Foundation na nagpapaliwanag na hindi sila sumusuporta sa sinumang politiko o alinmang politikal na pangkat, at kaya nila ginagawa ang pagtulong sa kapwa ay dahil ito ang kanilang “mantra” ng kanilang network: SERBISYONG TOTOO LAMANG.

Imahe mula sa Facebook page ng GMA News / Public Domain Image

Ayon sa kanilang “clarification,” GMA Kapuso Foundation distributes family grocery packs in aid of daily wage earners and their families affected by COVID–19. GMA Kapuso Foundation is not affiliated with and does not support any political candidate. GMAKF is non partisan and non political.

Dagdag pa nila, “Wala kaming kandidato. Wala kaming kinikilingan. Ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation ay pawang SERBISYONG TOTOO LAMANG. #BuongPusoParasaPilipino.”

Nagkomento naman ang mga netizens hinggil dito.

“Thank you GMA-7 for doing contribution to our people needed for facing crisis now in COVID-19 to our country and others particular country was affected,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I salute talaga sa malasakit ng GMA 7, ang mga school at houses na ipinatayo nila, maganda at may kalidad tulad sa proyekto nila sa Yolanda victims, sa isang lugar talong–talo ang proyekto ng nakaraang administration, sa pabahay at kalidad nito sa proyekto ng GMA Kapuso Foundation!”

Public Domain Image

“Masakit isipin na sa panahon ngayon, pati ang isang pamilya ay nagkakawatak, nagkakaroon ng lamat ang relasyon sa bawat myembro dahil sa politika. Kaya nagpapasalamat ako na may mga organisasyon pang walang kinikilingang politiko, tulad ninyo,” pahayag naman ng isa.

Aktibo ang GMA Kapuso Foundation, bilang socio–civic organization ng GMA Network, sa pamamahagi ng mga tulong sa pamamagitan ng social program at outreach activities sa publiko, lalo na ang mga taong naapektuhan ng mga kalamidad gaya ng bagyo, pagyanig, at sakit.

Loading…