GMA Network, naglabas ng infographic tungkol sa kanilang renewed franchise sa kabila ng maling balitang kumakalat

  • Pinabulaanan ng GMA Network ang ilang balitang kumakalat na nakapag-operate sila kahit paso ang kanilang prangkisa
  • Pagmamalaki ng Kapuso network, na-renew ang kanilang franchise bago pa man ito ma-expire at ito’y naisabatas agad
  • Ang pinakahuli ay ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa franchise renewal ng GMA noong April 2017

Pinag-usapang maigi ang hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN nitong nakaraang linggo. Maraming fans ng network ang dismayado sa diumano’y panggigipit na dinaranas ng network at kahit nadinig na sa Senado ang kanilang isyu ay nauwi pa rin ito sa pagpapasara sa istasyon.

At kaugnay nito, nadadawit sa ilang usapin ang isa pang malaking network sa bansa na GMA Network. May ilang balita at akusasyon kasing lumalabas na ang GMA daw ay pinahintulutang mag-operate kahit na paso na rin ang kanilang prangkisa.

Larawan mula sa GMA Network

Bilang tugon sa isyu, naglabas na ng opisyal na pahayag ang Kapuso network kaugnay sa mga huwad na balitang ito. Kasama ang isang infographic, pinabulaanan ng GMA na patuloy silang umeere kahit walang franchise. Ang totoo raw, kailanman ay hindi naranasan ng GMA na umere nang walang prangkisa.

Inumpisahan nila ang timeline ng prangkisa ng GMA noong March 20, 1992 nang pirmahan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Republic Act No. 7252 na nagbibigay ng prangkisa sa Republic Broadcast System, ang dating pangalan ng GMA Network, Inc., para sa 0perasyon ng kanilang TV at radio stations.

Mahigit isang buwan matapos malagdaan ni Aquino ang batas, naging epektibo ito noong May 12, 1992. Mayroong 25 taong bisa ang nasabing batas para sa prangkisa ng Kapuso network at nag-expire noong May 12, 2017.

Pero bago pa man mapaso ang franchise ng GMA, agad na isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang renewal ng prangkisa ng Kapuso network. Noong April 21, 2017, nilagdaan ni Duterte ang RA No. 10925 na nagbibigay sa network ng panibagong 25 taon para umere o hanggang 2042.

Larawan mula sa GMA Network

Kaya naman taliwas sa balita, hindi kailanman napaso ang prangkisa ng GMA Network. Bago pa man kasi mawalan ng bisa ang hawak nilang prangkisa, naisabatas na agad ng mga pangulong dinaanan ng network ang pagpapalawig sa pag-ere ng GMA.

“Given this, it is important to note that that there is no parity of circumstances between the two broadcast networks. And that there is no truth to statements claiming that GMA continued its operations despite the expiration of its franchise, which was in fact renewed earlier than its expiry date,” ayon sa official statement ng GMA Network.

Loading…