GMA reporter Saleema Refran ibinahagi ang naranasang COVID scare

Imahe mula sa Instagram | Saleema Refran
  • Ibinahagi ni GMA Saleema Refran ang naging karanasan nang magkaroon ng sintomas ng COVID-19
  • Negatibo naman ang kaniyang resulta sa swab test
  • Dahil sa karanasang ito ay mas nais niya raw na makapaghatid ng mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19

Isa ang Kapuso reporter na si Saleema Refran sa mga frontliners na nagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19, kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pag-aalala nang makaranas ng mga sintomas nito.

Imahe mula sa YouTube | GMA Public Affairs

Kuwento niya, dahil may hika ay hindi siya gaanong nag-alala nang magsimulang makaramdam ng hirap sa paghinga noong nagko-cover ng SAP distribution.

Ngunit sa isang panayam sa Quezon City health ay naging sunud-sunod ang pag-ub0 niya kaya naman inirekomenda nang magpa-swab test siya. “Yun yung point na na-realize ko na baka iba na,” pag-amin niya.

Kinabukasan ay sumailalim siya sa swab test, X-ray, at CBC.

Noong una raw ay kampante siya sa pagdokumento ng karanasan sa swab testing ngunit nang lumabas ang resulta ng X-ray ay halos hindi niya na raw naiangat ang kaniyang cellphone.

“Gulat na gulat ako na ‘yung hika ko, pneumonia na pala. Ang sabi ng doktor, kailangan akong agad magpa-treat and maospital kasi seryoso ‘yung pneumonia and isa siya sa signs ng COVID,” aniya.

Imahe mula sa YouTube | GMA Public Affairs

Pinakamahirap para sa kaniya ang paghihintay ng resulta ng kaniyang test lalo na at mag-isa lamang siya. Noong mga panahon ding iyon ay ipinagdarasal na lamang niya na kung positibo man siya ay wala sana siyang mahawaan.

“Yun yung prayer ko na matindi noon. Tanggap ko na pero ‘wag lang po akong makahawa kasi hindi ko kakayanin na magkasakit ‘yung mga kasama ko dahil sa akin.”

Sa kabutihang palad ay negatibo naman ang resulta ng kaniyang swab test.

Dahil sa karanasang iyon ay mas lalo raw sumidhi ang kagustuhan ni Saleema na makapagbahagi ng impormasyon tungkol sa COVID-19.

“Mas gusto ko pa ngang bumalik ngayon e. Mas iba ‘yung tingin ko kung paano natin dapat ibalita ‘yung pandemyang ito kasi naranasan ko na eh,” pagbabahagi ni Saleema. “Sa panahon ngayon ay papel ng mga mamamahayag na ihayag, ilabas, at ilahad ‘yung totoong impormasyon tungkol doon sa sakit.”

Dagdag ingat po, Saleema! God bless you!

Source :

YouTube, GMA News

Loading…