Grupo ng mga pribadong ospital, nanawagang palitan si DOH Sec. Duque

Imahe mula sa PHAPI at PNA
  • Nais ng 744 miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) na palitan na si Sec. Francisco Duque III bilang pinuno ng DOH at chair ng PhilHealth
  • Anila, kailangan ng bagong lider ng DOH at PhilHealth na makatutugon sa problemang pangkalusugan ng bansa sa ngayon
  • Ibinigay nila ang liham na ito kay Pang. Rodrigo Duterte at sinabing umaasa silang pakikinggan ang kanilang hinaing

Lumiham ang grupo ng mga pribadong ospital na may 744 na miyembro kay Pang. Rodrigo Duterte upang ipanawagan ang pagpalit kay Sec. Francisco Duque III bilang pinuno ng Department of Health at chair ng PhilHealth.

Imahe mula sa PNA

Sa isang sulat na nilagdaan ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) President Dr. Rustico Jimenez ay sinabi nilang napuno na sila sa mga pangako ng DOH at PhilHealth na pinamumunuan ni Duque.

“Respectfully, our members feel that they have enough of the promises of PhilHealth and the Department of Health both government agencies respectively chaired and headed by Sec. Francisco T. Duque III, MD,” anila.

Hanggang ngayon daw ay marami pa rin ang hindi nabibigyan ng reimbursement ng PhilHealth, na nagbibigay ng coverage sa mga COVID-19 patients.

“Although some have already received their share, most, however, are now so financially drained as they are still waiting for the promised Interim Reimbursement Mechanism,” dagdag pa nila sa liham.

Imahe mula sa PNA

“For this reason, the PHAPi, an association of 744 member private hospitals now respectfully requests for the replacement of  Duque as DOH Secretary and Chairman of PhilHealth and appoint someone who can deliver the goods better in addressing the health concerns of the country,” saad nila.

Mataas daw ang respeto nila kay Duque ngunit sa palagay nila ay nangangailangan ngayon ang bansa ng bagong lider.

“We have high regards for him as among our esteemed colleagues in the healthcare industry but he seems to be already so exhausted and there is need for a fresh bl00d and a fresh mind to lead the DOH and PhilHealth,” anila.

Source :

Facebook, CNN, ABS-CBN

Loading…