Guard na nagtuturo sa isang bata, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | John Robert Flores
  • Hanga ang netizens sa isang guard na nakuhanan ng larawan habang tinuturuan ang isang bata
  • Sabi ng uploader, lima ang mga batang tinuturuan ng SG
  • Ang mga customer na nakasasalamuha ng guard, sinabing mabait talaga ito

Saludo ang mga netizen sa isang security guard sa Maynila na tinuturuang magbasa at magsulat ang isang bata.

Imahe mula sa Facebook | John Robert Flores

Nakuhanan ni John Robert Flores ang nakaaantig na tagpong ito na kaniyang ibinahagi sa Facebook. “Napadaan kami sa Palawan Pawnshop sa Arellano University and spotted si Kuyang security guard na tinuturuang magbasa at magsulat yung bata,” aniya.

Kuwento niya pa sa Philippine Star, hindi lamang isa kundi lima ang mga batang tinuturuan ng guard ngunit hindi na nila nakuhanan ang iba.

“Nakaka-proud lang kasi kahit hindi niya kaano-ano, tinuturuan niya pa rin dahil busilak ang kaniyang pus0.”

Hiling niya, sana ay patuloy na pagpalain ang security guard. “I salute you, SG. Sana patuloy ka pa ring bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuti mong pus0 para matulungan ang batang ‘yan. Spread love.”

Sa comment section ay nagpakilala ang guard na si Renz Abelita. Ipinagtanggol niya ang sarili mula sa mga bumabatikos sa kaniya dahil wala siyang suot na face mask sa larawan.

Imahe mula sa Facebook | John Robert Flores

“Sa totoo lang may face mask po ako niyan, kaso nga lang tinanggal ko saglit kasi hindi ako naririnig ng bata, okay? Tingnan n’yo po muna kasi nakasabit ang face mask ko sa kabilang tainga ko tapos sasabihin n’yo na may nilabag ako na batas. Ang sakit naman,” paliwanag niya.

Sa kabila nito ay marami pa rin ang pumuri sa kaniyang kagandahang-loob. “Educating the young is indeed the responsibility of everybody. Great job! Salute, Sir,” ani Mac.

Ang mga nakasasalamuha ng guard, ibinahagi na likas talaga itong matulungin. “Mabait ‘yang guard na ‘yan… Laging nag-greet ng good morning or good afternoon. Tapos talagang ang haba ng patience niya sa pag-guide sa mga customer ng branch nila,” ani Beatrice S.

“Hindi niya rin pinababayaan mga customer diyan. Siya pa lagi ang nagtatanong kung anong kailangan na form ng customer,” dagdag ni Kristian M.

God bless, SG Abelita.

Loading…