Halos 10,000 bilanggo pinalaya dahil sa banta ng COVID-19

  • Halos 10,000 bilanggo ang pinalaya mula March 17 hanggang April 29, 2020 dahil sa banta ng COVID-19
  • Ikinatuwa naman ng DILG ang desisyon ng Supreme Court na ma-decongest ang mga piitan sa bansa
  • Apat mula sa 468 BJMP jail facilities sa buong bansa ang nakapagtala ng kaso ng COVID-19 infections

Umabot sa halos sampung libong (10,000) preso ang pinalaya ng pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease sa loob ng mga siksikang piitan sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Korte Suprema.

Imahe mula sa UNTV

Inanunsyo ni Associate Supreme Court Justice Mario Victor Leonen na 9,731 inmates na ang pinalaya. Aniya, alam ng Korte Suprema ang siksikang kalagayan ng mga piitan sa bansa.

“The court is very much aware of the congested situation in our prisons,” ani Leonen.

Ang ginawang pagpapalaya sa mga preso ay kasunod ng direktiba ng Supreme Court sa mga lower courts na palayain ang mga preso na naghihintay ng hearing habang nakapiit dahil hindi nila kayang bayaran ang piyansa.

Kabilang din sa mga pinalaya ay ang mga mga detainees na nasentensyahang mapiit ng hanggang anim na buwan o mas mababa at ang mga kwalipikadong matatanda at may mga karamdamang bilanggo.

Ang mga nasabing preso ay napalaya sa pagitan ng mga petsang March 17 at April 29, 2020.

Ikinatuwa naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang desisyon ng Supreme Court na ma-decongest ang mga piitan sa bansa. Tinawag ni DILG Secretary Eduardo Año na “makataong hakbang” ang ginawa ng Korte Suprema para sa mga bilanggo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PCOO

“Malaking tulong ito sa ating mga mahihirap at matatandang nakapiit sa ating mga pasilidad na mabigyan sila ng pagkakataong makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Malaking ginhawa din ito sa ating mga tauhan sa BJMP dahil mababawasan ang kanilang mga alalahanin sa gitna ng banta ng COVID-19,” anang kalihim.

Binanggit ni Sec. Año na apat mula sa 468 BJMP facilities sa buong bansa ang nakapagtala ng kaso ng COVID-19 infections.

Imahe mula sa UNTV
Source :

MSN, Bombo Radyo

Loading…