Halos 8 million views: Bumuhos ang saya ng ABS-CBN fans nang mag-Facebook live ang TV Patrol

  • Live streaming ng TV Patrol sa Facebook nag-viral
  • Umabot sa halos walong milyong views ang nakuha nito sa Facebook, bukod pa sa daan-daang libong views sa YouTube
  • Top trending din sa Twitter Philippines ang TV Patrol

Bumuhos ang saya ng mga tagasunod ng Kapamilya network nang mapanood ang live stream ng TV Patrol, news program ng ABS-CBN, sa Facebook noong Huwebes ng gabi, ika-7 ng Mayo.

Imahe mula sa Twitter account ng Black_Arrow

“Patuloy kaming maglilingkod, mga Kapamilya,” sabi ng news anchor na si Bernadette Sembrano pagkatapos ng livestreaming ng news program na nakasanayan nang panoorin sa telebisyon ng milyun-milyong Pilipino na nag-aabang ng mga bagong balita.

Ang linyang binanggit ni Bernadette Sembrano ay ang kaparehong linya na lagi niyang sinasambit sa tuwing matatapos ang newscast, subalit sa pagkakataong ito ay tila musika iyon sa pandinig ng kanilang followers.

Ang mga programa ng ABS-CBN ay hindi na umere sa telebisyon matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission sa nasabing TV network matapos mag-expire ang congressional franchise nito noong Lunes, ika-4 ng Mayo.

Sa ilang araw pa lang na pagkawala nito sa ere, mababanaag kung gaano hinanap-hanap ng mga tagahanga ang paborito nilang mga programa ng ABS-CBN nang umabot sa halos walang milyong views sa Facebook ang nakuha ng livestreaming ng TV Patrol.

Imahe mula sa Twitter account ni Felicity Reese Batac

Daan-daang libo rin ang nanood nito sa YouTube channel ng Kapamilya network at naging top trending sa Twitter sa bansa.

Habang pinanonood ang livestreaming ng TV Patrol, maraming Kapamilya fans ang nagbahagi ng mga larawan nila habang pinanonood ang paboritong news program.

“When Kuya Kim said “Laban lang Kapamilya” in #TVPatrol Weather Weather lang segment tonight. I seriously felt that. Like a true a family, Always and forever #TVPatrol #NoToABSCBNShutDown,” tweet ng isang tagahanga ng ABS-CBN.

Screenshot ng tweet ni Mon Forte
Source :

ABS-CBN, PEP

Loading…