Hanggang sa pagtanda: Netizens nagbigay pugay sa kanilang mga magulang, lolo at lola, na umaruga sa kanila

  • Nagbigay ng kanilang pasasalamat ang netizens sa mga magulang, lolo, at lola na gumabay sa kanila
  • Nag-umpisa ito sa Facebook post ng isang page kung saan makikita ang kamay ng matanda na hawak ng kamay na mas bata
  • Ayon sa post, hindi raw dapat kalimutan ang mga kamay na gumabay sa atin upang maging kung ano tayo sa ngayon

Sabi nila, anuman daw ang marating natin, anumang tagumpay ang makamit natin sa mundo, laging kasama sa mga ito ang mga taong gumabay sa atin at nagbigay ng suporta at pagmamahal. Sa bawat daan kasi patungong tagumpay, laging mayroong balakid. Ngunit karamihan sa mga ito ay nalagpasan naman natin dahil sa mga taong laging nariyan sa ating tabi.

At kaugnay sa mga taong gumagabay sa atin, ang hindi mawawala sa listahan ng marami ay ang ating mga magulang, maging ang mga lolo at lola. Sila ang nagbigay sa atin ng arugang kailangan upang lumaking mabuting tao at makamit ang kung ano’ng mayroon sila ngayon.

Larawan mula sa FB page na Viral Photos

Ganito ang diwa ng Facebook post ng page na Viral Photos. Makikita sa post ang larawan ng kamay ng isang matanda na hawak ng isang mas batang kamay. Sabi sa caption, “Never leave the hands which raised you.”

Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng kanilang pasasalamat sa mga lolo at lola, nanay at tatay nila. Marami ang gumaya sa larawan at ibinahagi naman ang kanilang berisyon ng paghawak sa kamay ng kanilang magulang, lolo, at lola.

Marami ang nagpaabot ng pasasalamat sa kanilang mga naging guardian lalo na noong sila’y lumalaki. Nagbigay-pugay sila sa mga magulang na iniraos ang kanilang mga pangangailangan kahit hindi naging ganoon kagaan ang kanilang pamumuhay.

Ang ilan naman, hanggang sa pasasalamat na lamang muna sa Facebook ang kayang gawin dahil wala na sa mundo ang nais nilang bigyan ng pasasalamat. Tanging ang mga larawang mayroon sila ang kanilang ibinabahagi dahil hindi nila magawa ang paghawak sa kamay ng mga ito ngayon.

Larawan mula sa Pexels

Agad ngang nag-trending sa Facebook ang post. Umani na ito ng 19,000 reactions, 100 comments, at 2,800 shares habang isinusulat ang istoryang ito. Ayon pa sa ilang nagkokomento, mapalad raw ang mga lumaking mayroong magulang o lolo at lola dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon nito.

Hiling naman ng ilan, sana raw ay umabot din sila sa edad na kukulubot ang kanilang balat at makikita ang mas malaki nilang pamilya na mayroon nang mga manugang, at apo.

Loading…