Hayahay! Larawan ng relaks na relaks sa pagkakahiga na bagong silang na sanggol. naghatid ng good vibes

  • Trending sa social media ang nakaka-good vibes na larawan ng isang sanggol
  • Hayahay kasi ito sa pagkakahiga na nakataas pa ang dalawang kamay at naka-dekwatro pa
  • Sabi tuloy ng ibang netizens, bata pa lamang daw ay feeling boss na si baby

Isa sa mga nakapagpapa-good vibes sa mga netizens ay ang larawan at video ng mga cute na baby. Marami sa atin ay giliw na giliw sa mga kilos ng mga bata na hindi pa man buo ang pag-iisip ay nakagagawa na ng mga bagay na magbibigay ng ngiti sa atin.

Ganito ang diwa ng isang viral Facebook post tungkol sa isang batang tila relaks na relaks sa kanyang pagkakahiga. Marami ang natutuwa sa posisyon ng pagkakahiga ng bata sa 0spital dahil nakalagay pa ang dalawang kamay nito ulo at naka-dekwatro pa.

Larawan mula sa Facebook page na Drama Sosmed

Una raw itong in-upload ng Facebook page na Drama sosmed na nire-upload naman ng ibang pages pa hanggang sa tuluyang mag-viral. Noong Pebrero pa kuha ang larawan ng sanggol. Kita sa larawan na kasisilang pa lamang sa sanggol.

Maging ang iba’t ibang news website sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay ibinalita na rin ang cute na cute na posisyon ng baby. Ayon sa ilang ulat, Santuy daw ang pangalan ng naturang baby na pinamangha ang maraming netizen dahil sa tila pangmatanda niyang akto.

Bagaman hindi rin matukoy ng mga news site na nag-cover sa larawan ni Baby Santuy ang kanyang buong pagkatao, patuloy namang sumisikat ang larawan na ito, kabilang na sa Pilipinas. Ibinahagi rin kasi ng account na Rey Pinyoko ang nasabing larawan.

Biro niya sa caption, “salamat at nakalabas din sa sinapupunan” ang nais ipahiwatig ng sanggol sa kanyang pose. Umani naman ng higit 29,000 reactions, 5,000 comments, at 47,000 shares ang nasabing larawan.

Larawan mula sa Pexels

Ayon sa ilan, mukhang ganito rin daw ang pose nila noong isinilang dahil sa kanilang paglaki ay hayahay pa rin sila. Tugon naman ng ilan, boss daw itong batang ito paglaki dahil sa kanyang posisyon kaya maghanda na raw ang mga magulang nito.

May ilan namang nagsasabi na baka edited ang larawan. Wala mang makapagsabi kung totoo ba ito o likha lamang ng teknolohiya, ngunit ang mahalaga ay maraming napasaya ang literal na ‘boss baby’ sa kanyang hayahay na pagkakahiga.

Loading…