Healthcare worker na COVID-19 survivor nagbigay ng mensahe

  • Binigyang–pugay ng DOH ang isang healthcare worker na COVID-19 survivor 
  • Kayang–kaya raw malunasan at matalo ang pandemya kung ang lahat ay magkakaisa at magtutulungan
  • Sabi nga niya, “As we stand as one, we will come out victorious!”

Kung inaakala mong hindi tatablan ng COVID–19 ang mga healthcare workers na mga itinuturing na “frontliners” at superhero sa pagsugpo ng pandemya, nagkakamali ka. Sila ay mga tao rin. Subalit sa tawag ng kanilang sinumpaang tungkuli, handa nilang suungin ang panganib para sa kapakanan ng lahat.

Kaya naman, itinampok sa Facebook page ng Department of Health o DOH ang isang healthcare worker na COVID–19 survivor na nag–iwan ng makahulugang mensahe para sa lahat. Binigyang–pugay nila si Patient 1544 na si Dr. Manuel Kelly, Jr. na isa umanong halimbawa at buhay na patunay na maaaring malabanan ang mapamuksang virus.

Imahe mula sa Facebook page ng DOH / Public Domain Image

Ayon sa caption ng DOH post, “As we stand as one, we will come out victorious! Si Dr. Manuel Kelly Jr. ay isa sa mga butihing doktor na nakipaglaban at kalaunan ay napagtagumpayan din ang COVID-19. Siya ay isang halimbawa na hindi imposible to #BeatCOVID19. Basta’t sama-sama at tulong-tulong, malalabanan natin ang pandemya!

Dagdag pa, “Saludo kami sa iyong serbisyo para sa bayan, Dr. Kelly! Mabuhay ka!”

Samantala, nagbigay rin naman ng mensahe ang survivor na si Dr. Kelly para sa publiko. Aniya, “In our effort to detect this contagion, COVID–19, we fall victim. This virus does not discriminate thus anybody can contract it. With God’s help we were able to overcome it. As we stand as one, we will come out victorious!”

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga netizens ang naturang post. Nagbigay sila ng magagandang mensahe para kay Dok.

“Praise the Lord for healing and keeping you safe, Dr. Manuel Kelly, Jr. May His mighty armor protect you and your team as you go about doing His work,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “We salute you Doc!!! Thank you for your courage to face the consequences of your call to duty!!! We hope that there were many like you who will take the challenge in the service of our fellowmen and to save lives!!! Thank you very much Doc.”

Public Domain Image

Mabuhay ang mga healthcare workers at frontliners na kagaya ni Dr. Manuel Kelly, Jr.!

Loading…