“Hindi ito bakasyon”: Richard Gomez sa mga OFWs na naghahanap ng 5-star quarantine accommodation

  • Sinagot ni Mayor Richard Gomez ang reklamo ng mga OFWs na naghahanap ng five-star quarantine accommodations
  • Ani Gomez, wala sila sa bakasyon at ginagawa ito dahil nasa gitna ng pandemya ang bansa
  • Mayroon man umanong maaabala pero para naman ito sa kaligtasan ng nakararami

Bumwelta si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa mga overseas workers na nagrereklamo sa mga hotel na pinagdalhan sa kanila na siyang magsisilbing quarantine facility para matiyak na negatibo sila sa COVID-19 bago payagang makabalik sa kani-kanilang tahanan.

Image by Richard Gomez via Facebook

“Hindi ko rin nilalahat pero may mga OFW na nagsasabing galing sila sa hotel at their point of embarkation and dapat parang hotel din ang accommodations nila sa probinsya.”

Sabi ni Gomez, hindi ito panahon ng bakasyon at nasa gitna ng pandemya ang bansa kaya’t kailangan talagang ihiwalay ang ilan para hindi mahawaan ang iba. Mayroon man umanong maaabala pero para naman ito sa kaligtasan ng nakararami.

Nabanggit din nito na walang kapasidad ang lokal na pamahalaan na makapagbigay ng five-star quarantine accommodations kaya’t pagtiisan na lamang muna ang kanilang inihanda at nakayanan.

“I cannot/will not in conscience, endanger the lives of so many just for a few who feel inconvenienced. We must do what we can to keep each other safe.

“Buhay [ang] pinag-uusapan dito. Magtulungan po tayo. Konting tiis Lang po, this is our fight. We are all in this together. God bless us all.”

Nasabi ito ng alkalde sa kanyang social media post bilang pagpapaliwanag sa naganap na kalituhan sa pagsundo sa mga repatriates kung saan nakatanggap siya ng mga negatibong puna mula sa mga overseas workers.

Ani Gomez, sa kaparehong araw, May 25, umano nila natanggap ang abiso patungkol sa parating na tatlong eroplano mula Manila na may dalang OFWs at kailangan pa nila ng preparasyon.

Image by Richard Gomez via Facebook

Ang preparasyong tinutukoy niya ay ang paghahanda ng sasakyang gagamitin, pagdadala ng medical team, paghahanap ng quarantine area at iba pa para masigurong ligtas ang mamamayan.

Dagdag pa rito ang dalawang oras at kalahati na biyahe mula Ormoc papuntang Leyte.

Mayroon din umanong inilatag na three-day protocols for coordination ang DILG para makapaghanda ang mga LGU na hindi nasunod.

Image via
BJMP NHQ’s Youtube account
Source :

Facebook

Loading…