Hindi maunawaang liham ng mister para sa Mother’s Day, kinaaliwan online

Imahe mula sa Facebook | Chi Manansala
  • Naaliw ang netizens sa liham na ibinigay ng isang mister sa kaniyang misis noong Mother’s Day
  • Gusto mang kiligin ng misis ay hindi niya raw magawa dahil hindi niya naiintindihan ang penmanship ng asawa kaya naman ipinost niya ito sa Facebook upang magpatulong sa netizens
  • Sa huli ay natulungan naman siya ng netizens na maintindihan ang nilalaman ng liham ng kaniyang asawa

Kinaaliwan ng netizens ang liham ng isang mister para sa kaniyang asawa noong mother’s day.

Imahe mula sa Facebook | Chi Manansala

Bagama’t sweet ito ay hindi raw kasi maintindihan ng misis ang penmanship ng kaniyang mister kaya naman nagpatulong siya sa mga netizen upang mabasa ito.

“Tulungan ninyo naman akong mabasa itong love letter sa akin ng mister ko. Kahapon pa ito. Gusto ko nang kiligin pero hindi ko magawa,” ani Chi Manansala sa kaniyang Facebook post kalakip ang larawan ng liham na iniregalo sa kaniya.

“Pabasa n’yo po sa staff ng botika, Ma’am. Sila lang po makaiintindi niya,” biro ni Quennie S.

Ngunit maraming netizens din ang tumulong sa kaniya na basahin ang liham ng kaniyang asawa, ang ilan isinulat pa sa papel ang mga sumusunod na laman ng sulat:

Imahe mula sa Facebook | Chi Manansala

“My, Happy Mother’s Day! Sorry my sa lahat ng pagkukulang ko sa’yo. Thank you dahil nandito kayo sa buhay ko ni Lark. Mahal na mahal kita, My. Yun ang palagi mong tatandaan. Alam ko na hindi ako perpekto. Sana maintindihan mo po yun.”

“Nandito naman ako sa tabi mo para suportahan ka sa lahat ng bagay maliit man o malaki. My, thank you sa lahat kahit anong mangyari sa atin maging strong lang at maging open tayo. Sorry sa misunderstandings natin, My.”

“Maswerte ako na ikaw ang asawa ko. Hindi halata dahil may mga pagkukulang ako sa’yo pero My, ang maipapangako ko lang sa’yo ay maging best daddy para sa anak natin at alagaan kayo for the rest of my life. I LOVE YOU, MY AND LARK.”

Ang sweet naman pala!

Source :

Facebook

Loading…