Hindi mo na rin ba matiis ang init?

  • Inilarawan ng isang Facebook page ang sitwasyon ngayon dulot ng napakainit na panahon
  • Tila naglalagablab daw ang buga ng mga bentilador at maging aircon
  • Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens

Sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Marso ay tuluyan nang naramdaman ng mga tao ang napakainit na panahon dulot ng pagpasok ng dry season, na lalo pang naramdaman dahil nasa bahay lamang ang mga tao dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine. Nagtuloy–tuloy ang ganitong temperatura hanggang Mayo na hindi bumababa sa 40 degrees Celsius.

Lahat na yata ng paraan ay ginawa na ng ating mga kababayan upang maibsan ang tila nagbabagang pakiramdam dulot ng matinding temperatura. Kaya naman, relate–much ang mga netizens sa kompilasyon ng mga ibinahaging larawan ng Facebook page na “Rant”.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Makikita kasi sa mga larawan na naglalagablab sa apoy ang mga kagamitang inaasahang makakapagpapawi sa init na nararamdaman, at naglalarawan sa sitwasyong nararanasan ngayon. Parang lahat ng hawakang bagay ay nagbubuga ng apoy: mula sa mga bentilador o electric fan, aircon, at maging ang mga higaan.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Yes… akala mo nagbubuga ng apoy o asupre yung electric fan. Tapos kapag naligo ka naman, natutuyo kaagad, tapos malagkit sa pakiramdam. Kapag gabi, nagigising ako kasi nababasa ako ng pawis, saka mararamdaman mo talaga ang init sa pakiramdam,” pagbabahagi ng isa.

Sabi naman ng isa, “Kaya hindi mo rin masisisi ang mga kababayan nating lumalabas o tumatambay sa labas ng bahay. Hindi mo nga ikamamatay ang COVID–19, pero madadale ka naman sa init. Puwedeng mauwi sa heat stroke kapag lumala.”

“Grabe nga ang init ng panahon ngayon. Mas lalo pang tumindi. Challenge na kailangang nasa loob lamang ng bahay tapos ganito kainit. Usually kasi nasa bakasyon o galaan ang mga tao kapag ganitong panahon. O kaya naman nagsu–swimming sa mga resort o beach. Sana nga tuluyan nang humupa ang COVID–19.”

Public Domain Image

Ang nararanasan ngayong init ay dulot ng global warming dahil na rin sa greenhouse effect. Epekto naman ito ng labis na polusyon sa hangin.

Samantala, ipinapayo naman ang palagiang pag–inom ng tubig upang manatiling hydrated. Maaari kasing pagmulan ng malalang sakit ang labis na init kapag hindi naagapan.

Loading…