Hindi pala Chinese! Netizen nadiskubre ang totoong nationality ng cartoon character na si Pucca; mula kaya saan?

  • Isa sa mga cute at sikat na cartoon characters si Pucca na inakala ng marami na Chinese
  • Sa isang Facebook post, nalaman nilang hindi pala siya Chinese kung hindi isang Korean
  • Maraming netizens ang nagulat sa kaalamang ito dahil buong akala din nila ay mula sa China ang singkit na character

Nababalot madalas ng kontrobersya kapag nababanggit ang mga Chinese lalo na sa Pilipinas. Marami kasing isyu na kinahaharap ang bansa na sangkot ang mga taga-China kabilang ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Pero kung may mga nakapagpapataas ng kilay, mayroon din namang mga bagay mula sa China na nagdudulot pa rin ng saya sa mga Pinoy katulad ng mga pagkain. Kabilang din sa mga ‘Chinese’ na nagbibigay ng ngiti sa marami ay ang character na si Pucca.

Larawan mula sa Wikipedia

Ngunit may kumakalat na Facebook post ngayon na hindi naman daw mula sa China si Pucca. Weh, ‘di nga?

Ayon sa post ni Minnie Seok, nadiskubre niyang hindi naman pala Chinese si Pucca kahit mukhang Tsino ang hitsura nito.

Ibinahagi niya ang screencap ng larawan ng Google search niya tungkol sa nationality ni Pucca at lumabas na siya ay isang South Korean. Dagdag pa ni Minnie, buong akala niya raw noon na Chinese ang cartoon character pero Korean daw pala talaga.

Kinumpirma naman ng Fandom Wiki entry ni Pucca na siya nga ay isang South Korean na babaeng nahulog ang loob sa isang ninja trainee na si Garu. Nangangahulugan din daw na ‘goddess’ ang Pucca sa salitang Korean.

Mula rin sa South Korea ang lumikha kay Pucca na VOOZ Character System. Nakarating sa iba’t ibang bansa ang kasikatan ni Pucca nang maipalabas sa iba’t ibang TV channels sa Amerika, Europe, at Asia. Mapapanood rin ang Pucca sa Netflix.

Larawan mula sa YouTube

Agad namang nag-viral ang discovery na ito ni Minnie tungkol kay Pucca. Umabot na sa higit 4,300 reactions na karamihan ay ‘wow,’ 700 comments, at 13,000 shares ang nasabing post. Katulad ni Minnie, marami ang namangha sa kanilang nalaman.

Sabi ng iba, sa tanda raw nilang iyon at sa tagal na alam ang character na si Pucca, ngayon lang nila nalaman na Korean pala ito. Siya raw pala ang unang ‘Korean’ na minahal dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

Loading…