Hirit ng isang netizen hinggil sa “malamig” na chat nila ng kaniyang nobya, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang biro ng isang nobyo sa kaniyang nobya
  • Kung naiinitan daw dahil sa panahon, maaari daw tambayan ang ‘malamig’ na pag–uusap nila sa chat ng kasintahan
  • Napakatipid kasi ng palitan nila ng pag–uusap

Sa panahon ng tag–init na nararanasan ng mga Pilipino lalo pa’t ang lahat ay inaasahang nasa kani–kanilang mga bahay dahil sa ipinatutupad na Enhanced/General Community Quarantine, miss na miss na ng karamihan ang mga lugar na madalas pinupuntahan o pinapasyalan tuwing ganito ang panahon gaya ng mall, beach, Baguio, Tagaytay, at marami pang iba.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng isang nagngangalang “Kid Reyes” matapos niyang pabirong sabihin, na kung may tatambayan siya upang mapawi ang init sa pakiramdam dulot ng panahon, ito ay ang ‘malamig’ na palitan nila ng mensahe ng kaniyang nobya.

Imahe mula sa Facebook account ni Kid Reyes / Public Domain Image

Kalakip ng kaniyang post ang screenshot ng kanilang pag–uusap sa chat ng kaniyang nobya. Makikita sa conversation thread sa messenger na tinanong ni Reyes ang kaniyang nobya kung kumain na ito. Tumugon naman ito ng “Oo”. Nang tinanong niya ulit ito kung ano ang inulam nito, matipid itong tumugon ng “manok”.

Nasabi na lamang ni Reyes na “Ah ganun ba?”. Tumugon ulit ang kaniyang nobya nang matipid. Sa dulo ng kanilang pag–uusap, “Okay sign” na lamang ang itinugon nito. Biro ni Reyes sa caption ng kaniyang post, “Dito na nga lang ako tatambay, malamig pa.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, grabe naman… ang lamig nga… hindi man lang pinalawig ni Ate Girl yung reply niya, hahaha. Sabagay, may mga girls kasing medyo tamad talagang magchat o magreply sa text,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hahaha hindi naman kasi kailangan minu–minuto magkausap. Kung walang ma–topic manahimik, hahaha, ang bitter ko lately.”

“Relate–much ako rito,  ganiyan din kami ng dyowa ko eh, hahaha, saka ganiyan ako kapag nagtatampo ako sa kaniya. Kunwari galit–galitan para aamuin haha,” pagbabahagi naman ng isa.

Public Domain Image

Ang salitang “malamig” ay pang–uri o salitang naglalarawan na maaaring magkaroon ng dalawang pagpapakahulugan. Ang una ay maaaring pumatungkol sa “cold” gaya ng tubig na nasa refrigerator, o kaya naman ay yelo o ice. Ang isang pagpapakahulugan naman ay kawalan ng gana o sigla sa isang bagay, dulot ng tampuhan, pagkasawa o kawalan ng mood.

Loading…