Home Quarantine School: Howie Severino nagturo ng kasaysayan sa anak habang nasa tahanan

  • Ibinahagi ng batikang investigative journalist na si Howie Severino ang isang larawan sa loob ng kanilang tahanan
  • Makikita sa larawan na tinuturuan niya ng History o Kasaysayan ang kaniyang anak na lalaki na tinawag niyang “Home Quarantine School”
  • Dati nang naging guro si Severino sa kaniyang alma mater na Ateneo High School bago sumabak sa pagiging journalist at news anchor sa GMA Network

Isa sa mga ipinagmamalaking journalist at news anchor ng GMA Network ang award–winning “I–Witness” host na si Howie Severino, na kamakailan lamang ay umaming siya si “Patient 2828” na tinamaan, nagpagaling, at nakarekober sa COVID–19, na naisadokumento pa niya.

Matapos gumaling, minabuti ni Severino na manatili sa kanilang tahanan at magpalakas. Sinamantala niya ang pagkakataon upang maging guro sa kaniyang anak na lalaki matapos niya itong turuan ng History o Kasaysayan ng Pilipinas, ayon sa ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Howie Severino

“History class this morning at Home Quarantine School: Why a Portugese, Ferdinand Magellan, ended up exploring under the Spanish flag and why he headed west in search of Asia; how a European war stopped the galleon trade between the Philippines and Mexico; how the Cavite Mutiny of 1872 radicalized Rizal at age 11; how Philippine nationalism began with the execution of three priests,” ayon sa kaniyang post.

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, I crafted a wonderful primary source document analysis of Magellan with the guiding historical question being, “Should we label Magellan as an explorer or conquistador?” Great lesson!

“Wow, how interesting. Simon would have been very pleased to attend your History class Howie,” papuri naman ng isa.

Bulalas naman ng isa, “Saan po ba puwede mapanood ang videos ninyo? May FB Live  po ba kayo Sir or sa YouTube? Gusto ko rin po makinig sa lectures ninyo.”

Si Howie Severino ay award–winning broadcast journalist lalo na pagdating sa investigative journalism. Grade 5 pa lamang siya, alam na niyang gusto niyang maging isang mamamahayag. Isa siyang History degree holder sa Tufts University sa Massachusetts na may karangalang magna cum laude, at natapos naman niya ang master’s degree para sa Environment, Development, and Policy mula sa University of Sussex sa bansang United Kingdom.

Public Domain Image

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, nagturo siya sa kaniyang alma mater na Ateneo High School, at lumahok sa anti-Marcos movement. Dahil dito, kasama siya sa mga dinakip, gaya rin ng batikang direktor na si Lino Brocka at iba pa, at naging bilanggong politikal.

Sinimulan ni Severino ang kaniyang karera bilang newspaper reporter at magazine writer noong 1988; naging co-founder ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), at nakapasok bilang isa sa mga batikang journalist at news anchor ng GMA Network.

Loading…