Huwag buruhin sa bahay: Mga senior citizens sa GCQ areas dapat payagang maghanapbuhay

  • Maraming senior citizens ang umapela sa direktiba na hindi sila papayagang makalabas kahit nasa GCQ ang kanilang lugar
  • Karamihan sa mga company executives at mga mambabatas ay senior citizens
  • Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay isang senior citizen

Marami ang umapela sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi pa rin maaaring lumabas ng bahay ang senior citizens (60 anyos pataas) at mga kabataang may edad 20 pababa kahit nasa ilalim na ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang kanilang lugar.

Imahe mula sa PIA

Nangangamba ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na maraming manggagawa na edad 18-20 at senior citizens ang mawawalan ng trabaho dahil batay sa ilalim ng patakaran ng IATF ang mga mamamayang edad 21- 59 lang ang papayagang lumabas.

“By that simple regulation, you blacklist the 18 to 20 and the senior citizens from work, which can be permanent,” sabi ni Sergio Ortiz-Luis Jr., ang ECOP president.

Ayon naman kay Senior Citizens Partylist Representative Francisco Datol, Jr. at 1 PACMAN Partylist Representative Enrico Pineda, karamihan sa mga senior citizens ay malalakas pa, may trabaho at ang iba ay may sariling negosyo.

“Senior citizens also need to go outside to move around, as long as they are practicing social distancing. Especially those who live alone, we should not isolate them in their homes, as such may be detrimental to their health.They should be allowed to do their errands and work if they are still able,” wika ni Rep. Datol.

Ayon kay Rep. Pineda, maraming executive ng mga korporasyon ay mga senior citizens, gayundin ang karamihan ng mga miyembro ng Kongreso at maging si Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa PCOO

“I’m not saying that everyone should be allowed out, because many seniors do have health problems — but there should be exemptions, maybe allow those below 70 years old without any high-risk health conditions,” paliwanag ni Rep. Pineda.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinag-iisipan ng IATF na mabigyan ng exemptions ang mga senior citizens sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Imahe mula sa PhilHealth
Source :

Philstar, Tribune

Loading…