I am a billionaire, I don’t need to take money from anyone: Sharon Cuneta sinagot ang basher

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta
  • Hindi nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na sagutin ang isang netizen na nang-akusa sa kaniyang ibubulsa ang kinita sa online concert
  • Ani Sharon, hindi niya kailangang gawin ito dahil bilyonarya na siya simula pa noong kaniyang 30s
  • Paliwanag niya, nagsasagawa sila ng donation drive upang magsilbing tulay sa mga nais tumulong sa mga nangangailangan

Sinagot ni Megastar Sharon Cuneta ang isang basher na nang-akusa sa kaniyang ibubulsa ang milyun-milyong donasyon na kaniyang nakalap sa ginanap na Mother’s Day Concert para sa ABS-CBN Pantawid ng Pag-ibig.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Noong May 12 ay ibinahagi niyang umabot na sa mahigit P2.3 million ang mga natanggap nilang donasyon. “Maraming salamat po. You can still donate! God bless you,” aniya sa caption.

Ngunit may isang netizen na kinuwestyon ang kaniyang intensyon. “Where are you going to put the donation? In your account?” komento nito.

Bagama’t marami na ang nagtanggol kay Sharon mula sa basher ay binigyan pa rin niya ito ng diretsahang kasagutan. “No, thank you. I am a billionaire. I don’t need to take money from anyone. But I do help. DO YOU?”

Nag-comment din siya sa netizen na nagsabing hindi niya kailangang magbulsa ng pera dahil milyonarya na siya. “Sorry, correction anak: Sabi ko pero hindi yata malinaw, BILyonarya. Since my thirties,” paglilinaw niya.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

“Nakalulungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa pus0. Sa buhay, ang importante lang naman ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me like you!”

Sa hiwalay na komento ay ipinaliwanag din niya kung bakit nagsasagawa sila ng donation drive.

“Para makatulong ang ibang tao na gustong mag-donate sa siguradong magpaparating sa nangangailangan. Iba pa ambag naming mga artista mismo, pero wala ka nang pakialam doon,” matapang na hirit niya.

Dagdag niya pa mahigit P5 million na ang kaniyang naidodonate ngunit hindi na lamang niya isinasapubliko ang lahat.

Source :

Instagram, PUSH

Loading…