I’m kilig: Sam Milby inaming espesyal ang birthday greeting sa kaniya ni Catriona Gray

Imahe mula sa Facebook | Cornerstone Entertainment
  • Kinilig ang aktor na si Sam Milby nang makatanggap ng birthday greeting mula kay Miss Universe 2018 Catriona Gray
  • Pag-amin niya, espesyal para sa kaniya ang mensahe ni Catriona lalo na at hindi niya ito inaasahan
  • Dahil sa kilig ay halos hindi rin makapagsalita si Sam upang pasalamatan si Catriona

Hindi naikubli ng aktor na si Sam Milby ang kilig nang makatanggap siya ng birthday message mula kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Imahe mula sa Instagram | Sam Milby

Sa Facebook live ng Cornerstone Entertainment, Inc. ay isa-isang bumati ang mahahalagang tao sa buhay ni Sam kabilang na ang kaniyang mga kaibigan sa industriya na sina John Prats, Pooh, Moira Dela Torre, Yam Concepcion, at Say Alonzo.

Ngunit ang pinaka-espesyal at nagpakilig kay Sam ay ang maiksing mensahe mula kay Catriona. “Hey, Sam. Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. I wish for you more blessings, more happiness. You are loved by so, so many,” sabi ng beauty queen sa kaniyang video message.

Biro ni Pooh, tila nag-iba ang expression sa mukha ng aktor nang makita sa screen si Catriona kaya muli nilang ipinanood ang mensahe.

Nanghingi rin si John ng mensahe kay Sam para sa mga bumati sa kaniya, kabilang na si Catriona. “Kay Miss Catriona, hi. Nahiya ako. Teka lang. Nahihiya ako…Hi. Thank you for your greetings. Yeah, nahihiya ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I’m so happy,” ani Sam.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Singit ni John, “Samuel, sa panahon ngayon, sa mga nae-experience natin sa pandemic, kailangan talaga i-express mo yung nararamdaman mo. Ito na yung time. Ako mahal na mahal kita. Si Pooh, mahal na mahal ko rin.”

“Basta, I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you. Very special,” sagot ni Sam.

Binasa naman ni Pooh ang komento ng isang netizen na nagsabing “Sam, ‘wag torpe. Paano ka magkaka-GF niyan?”

“Dont worry. For Sam Milby, it works ha, yung pagiging torpe niya,” depensa naman ni John.

“I can be torpe minsan,” pag-amin naman ni Sam.

Loading…