Isailalim sa price freeze ang LPG at kerosene hanggang June 30 – Sen. Win Gatchalian

  • Nanawagan si Sen. Win Gatchalian na isailalim sa price freeze hangggang June 30, 2020 ang LPG at kerosene
  • Ang panawagan ng senador ay matapos itaas ng mga oil companies ang presyo ng kanilang mga LPG products noong Mayo uno
  • Sa standard 11-kilogram LPG cylinder ay nasa pagitan ng P56.98 hanggang P63.80 ang itinaas ng presyo nito

Nanawagan sa Department of Energy si Senator Sherwin “Win” Gatchalian na palawigin hanggang sa ika-30 ng Hunyo ang price freeze para sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene upang maibsan ang bigat na pinapasan ng mga Pilipino dahil sa health crisis na umiiral.

Imahe mula sa Philippine News

Ang panawagan ay ginawa ng senador matapos itaas ng mga oil companies ang presyo ng kanilang mga LPG products noong Mayo uno sa mahigit limang piso kada kilo. Sa standard 11-kilogram LPG cylinder ay nasa pagitan ng P56.98 hanggang P63.80 ang itinaas ng presyo nito.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagtaas ng presyo ng LPG products ay sumasalamin sa galawan ng international contract price ng LPG sa buwan ng Mayo.

Dahil sa mabagal ang progreso ng bansa sa pagresolba sa health crisis, iminungkahi ni Senator Win Gatchalian sa DOE na ma-extend ang price freeze ng LPG at kerosene hanggang sa June 30 ng taong kasalukuyan upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino.

“Sa ganitong panahon ng krisis, ang 50 o 60 pesos ay malaking tulong na lalo na sa mga pamilyang nasa mahihirap na komunidad. Puwede na itong ipambili ng isang kilo ng bigas o kaya ay hanggang tatlong piraso ng delata,” sabi ni Sen. Gatchalian.

Imahe mula sa DepEd

Sa lalong madaling panahon ay dapat na umanong irekomenda ng DOE ang price freeze sa mga nabanggit na produkto, sabi ng senador.

Batay sa Household Energy Consumption Survey na isinagawa noong 2011, 41.2% ng halos 21 million Filipino households ay umaasa sa LPG para sa kanilang basic needs tulad ng cooking, water heating, at ilaw, at 34.3% naman ang gumagamit ng kerosene.

Imahe mula sa Tribune

Loading…