Isang bus route na lang ang papayagan sa EDSA pagkatapos ng ECQ

  • Aayusin ng LTFRB ang land-based transportation system sa Metro Manila pagkatapos ng ECQ
  • Ang dating 96 bus routes sa buong Metro Manila ay magiging 29 bus routes na lang
  • SA EDSA ay isang bus route lang ang papayagan, ang rutang Monumento-Baclaran at pabalik

Bilang bahagi ng “new normal” kapag inalis na sa Metro Manila ang enhanced community quarantine (ECQ) at ilagay ito sa general community quarantine (GCQ), aayusin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang land-based transportation system.

Imahe mula sa Wikipedia

Sa ilalim ng pinaplanong rationalization ng land-based transportation system, babawasan ang napakarami at nag-o-overlapping na bus routes sa Metro Manila mula sa dating 96 routes ay gagawing 29 routes na lang.

At sa 29 routes na maiiwan, isang bus route lang ang papayagan na gumamit ng EDSA.

Sa isinagawang virtual press briefing noong Sabado, ika-9 ng Mayo, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kunin ang oportunidad ngayong may krisis sa rasyonalisasyon ng land-based transportation system at mapaiksi ang bawat ruta upang bumilis ang biyahe ng mga bus at iba pang public utility vehicles.

Ang mga bus na papayagan lang na dumaan sa EDSA ay ang may rutang Monumento-Baclaran (sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITx) at pabalik.

Kung noon ang mga pasahero ay diretsong makapupunta sa Alabang sa Muntinlupa City mula sa EDSA, sa bagong sistema ay hindi na. Kailangan nilang lumipat ng ibang bus patungo sa Alabang.

Imahe mula sa Wikipedia

Isa pang halimbawa, kung galing ang commuter sa Fairview patungo sa loob ng Makati ay kailangan munang sumakay ng bus o jeepney patungong EDSA kung saan maaaring sumakay ng bus hanggang sa Ayala Avenue. At magmula sa Ayala Avenue ay sasakay ng panibagong bus patungo sa destinasyon.

Batay sa plano ng LTFRB, ang mga bus operators na matatanggalan ng ruta sa EDSA ay ililipat sa ibang ruta.

Loading…