
- Far-UVC lamps na-develop ng isang dating NASA scientist na kayang puksain ang maraming uri ng mikrobyo
- Sa pag-aaral na ginawa ng Columbia University, napag-alaman na ang mga narrow band ng wavelengths ng Far-UVC ay hindi nakakapinsala sa human cells
- Kaya ng Far-UVC lamps na mapuksa ang maliliit na virus at bacteria sa mga surfaces at sa hangin
Nakagawa ang isang dating scientist ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng isang uri ng lamp na gumagamit ng ultraviolet light na kayang puksain ang maraming uri ng virus at bacteria.

Habang ang mundo ay naghihintay ng vaccine para sa COVID-19, ilang mga medical experts at scientists ang naghahanap ng mga pamamaraan kung paano pababagalin ang pagkalat nito o kung paano ito mapupuksa.
Isa na rito si Fred Maxik, ang founder at lead scientist ng kumpanyang Healthé. Aniya, ligtas para sa mga tao ang Far-UVC (Ultraviolet-C) technology na pangontra sa coronavirus na na-develop ng kanyang kumpanya.
Ang ultraviolet light ay mapanganib. Maaari itong magdulot ng malubhang sakit sa balat o kaya ay pagkabulag kapag na-expose ang mga tao rito.
Ngunit sa isang pag-aaral na isinagawa ng Columbia University, napag-alaman na ang mga narrow band ng wavelengths ng Far-UVC ay hindi nakapipinsala sa human cells at kaya nitong mapuksa ang maliliit na virus at bacteria sa mga surfaces at sa hangin.

Ang ideya ni Maxik ay i-deploy ang teknolohiya sa mga lugar kung saan inaalagaan ng mga health workers ang mga pasyente. Halimbawa, ang Far-UVC light ay maaaring ilagay sa mga pintuan upang ma-decontaminate ang buhok, balat at damit ng mga pumapasok sa gusali.
“If nurses and doctors passed through a portal archway as they enter or leave a unit like intensive care, it would drastically reduce the chance they bring coronavirus or other germs on their clothes, skin or whatever they’re carrying. Importantly, it would also drastically reduce the chance they take any pathogens home with them at the end of the day,” paliwanag niya.
Nilinaw ni Maxik na ang Far-UVC ay hindi lunas sa coronavirus, pero ang tamang paggamit dito ay makatutulong sa pagbagal ng pagkalat nito.

“This is not just about coronavirus. Far-UVC is effective against all kinds of microbes, and represents a significant step in protecting people from more routine viruses, such as influenza or the common cold, as well as bacteria such as E. coli and Staphylococcus and molds, now and in the future.