Ivana Alawi, umaabot sa six digits ang kita sa YouTube kada buwan pero hindi niya raw ito binabawasan kahit piso

  • Inilahad ni Ivana Alawi kung magkano ang kinikita niya sa pagba-vlog
  • Ayon sa aktres, nasa 6 digits daw buwan-buwan ang kita niya pero hindi milyong piso taliwas sa mga balita
  • Inihahanda niya raw ang perang kita sa YouTube para maibili ng bahay ang kanyang ina

Patuloy ang pamamayagpag ng bagong pantasya ng bayan na si Ivana Alawi. Bagaman walang proyekto ngayon sa telebisyon, madalas pa ring mapanood ng kanyang fans si Ivana sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.

Dahil umabot na sa higit 6.33 million ang kanyang subscribers, lagi ring milyon ang views ng bawat video ni Ivana. May mga balita ring kumalat na isang milyon ang kita niya kada araw ngunit pinabulaanan ito ng Kapamilya actress.

Larawam mula sa Instagram post ni Ivana Alawi

Ayon sa pahayag ni Ivana, nasa six digits daw ang kita niya kada buwan sa kanyang channel pero hindi milyon kada araw o kahit buwan-buwan. Pero kahit malaki ang kita ni Ivana sa paggawa ng videos sa YouTube, hindi niya raw binabawasan ang kita niya rito kahit piso.

Dahilan ng aktres, iniipon niya raw ang kanyang kita upang maibili ng sariling bahay ang knayang ina na si Fatima Marbella na madalas ding makita sa mga video ni Ivana. Kaya naman hangga’t di naiipon ng seksing aktres ang pera para sa dream house ng kanyang ina, ay hindi niya gagalawin ang sahod sa YouTube.

Paglilinaw pa ni Ivana, iba-iba raw kasi talaga ang dating ng revenue mula sa bawat video. May mga video raw na nakaka-5 digits lang ang kita, habang mayroon namang nasa-6 digits dahil mas maraming views at mas maraming nanood ng ads kung saan nanggagaling ang kanilang kita.

Iginiit din ng aktres na hindi naman daw siya sumali sa YouTube para sa kita. Malaki rin ang minanang ari-arian ni Ivana sa kanyang amang Moroccan, kabilang ang kanilang mansyon sa Bahrain.

Larawam mula sa Instagram post ni Ivana Alawi

Hindi rin nakalimutan ni Ivana na mamahagi ng tulong sa mga kababayang naapektuhan ng pandemic. Namahagi ng ayuda si Ivana sa mga ito na ipinakita niya sa kanyang latest video.

Matatandaang ang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Alawi ang nag-impluwensiya sa kanyang ate na mag-vlog. Na-enjoy naman ito ni Ivana at nagtuloy-tuloy ang kanyang tagumpay sa paggawa ng content online.

Panoorin ang pag-amin ni Ivana sa kanyang YouTube sahod:

Loading…