Iya Villania handa na sa pagdating ng ikatlong supling

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania
  • Handa na sa pagdating ng kaniyang ikatlong baby ang Kapuso host na si Iya Villania
  • Isa sa mga ginagawa niya upang paghandaan ang panganganak ay ang patuloy na exercise
  • Tuwing nagdadalantao ay ibinabahagi niya ang kaniyang workout routines upang ipaalam sa mga kapwa ina na ligtas ang pag-eehersisyo kahit buntis

Ready na ang Kapuso host na si Iya Villania sa pagdating ng ikatlong biyaya sa kanila ng asawang si Drew Arellano.

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania

Sa katunayan, consistent pa rin sa pagwo-workout si Iya ilang linggo bago siya manganak.

“Feels and looks like I am ready to pop. So much bigger this time around and the quarantine eating is not helping. So I’m glad that I’m still able to move, get my heart pumping and a good sweat in,” aniya nang ibahagi ang ginawang workout habang 8 months preggy.

Nag-post din siya ng larawan karga ang ikalawang anak na si Leon habang ipinakikita ang kaniyang baby bump at ‘tiger stripes.’

“My bunso just for a few more weeks. And yes, those are tiger stripes given to me by this little boy (Leon) when he was in my tum,” ani Iya.

Enero ngayong taon nang ibahagi ni Iya na inaasahan na nila ng asawang si Drew Arellano ang kanilang baby number 3. Sa ngayon ay may dalawang anak na lalaki ang mag-asawa–sina Antonio Primo na ngayon ay 3 years old na at si Alonzo Leon na one year old naman.

 

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania

Sinagot niya noon ang isang netizen na nagtanong kung bakit madalas siyang magbahagi ng workout videos tuwing expecting siya. “Because it is a difficult journey I want to keep track of to inspire and inform other buntis mamas. Okay lang po ba?” paliwanag ni Iya.

Maging sa una at ikalawang pagdadalantao ni Iya ay ibinabahagi niya rin ang kaniyang ehersisyo upang ipaalam sa ibang ina na ligtas ito kahit nagdadalantao sila.

“Yes! It is safe to continue your workout while pregnant. Unless you have c0mplicati0ns with your pregnancy and your doctor advises for you to rest, then it is safe,” sabi niya noon sa isang post. “Get the go signal from your doc! Don’t be afraid to move.”

 

Loading…