Jeep na ginamitan ng karton bilang divider upang masunod ang social distancing, kinaaliwan

  • Naghatid ng tuwa ang isang larawan ng jeepney na may lulang mga pasahero
  • Karton kasi ang ginamit na divider sa loob nito upang masunod pa rin ang social distancing
  • Ang iminumungkahing divider sa mga ganitong pampublikong sasakyan ay plastik

Isa sa mga pinaghandaang sektor na kinakailangang maging handa sa pagsasailalim sa General Community Quarantine ng buong National capital Region o NCR ay ang transportasyon. Balik-pasada na nga ang ilang mga jeepney driver upang kumita na, mula sa halos tatlong buwang pananatili sa bahay dulot ng ECQ.

Bilang paghahanda, kaniya-kaniyang lagay ng plastic na dividers ang mga jeepney driver sa loob ng kanilang mga pamasadang jeepney upang matiyak na masusunod ang social distancing sa mga pasahero. Subalit sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si “Melson Pacaro”, kakaiba ang divider na ginamit sa nasakyan niyang jeep. Mga karton kasi ang ginamit na dividers sa halip na plastic covers. Tanong niya, “How does it feel to be like this?”

Imahe mula sa Facebook account ni Melson Pacaro / Public Domain Image

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens at nagbigay sila ng reaksyon at komento hinggil dito.

“Hindi kaya mapagkamalan akong lechon kapag sumakay ako riyan? Hahaha. Medyo malusog pa naman ako,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ito yung jeep na magpaparamdam sa iyo kung paano maging gagamba na hinuhuli ng mga bata noon at inilalagay sa loob ng bahay ng posporo? Hahaha.”

“Siguro mahilig sa gagamba si Manong Driver noong araw kaya ganiyan ang divider na naisipan niya hahaha. Pero usually, plastic covers hindi ba?” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Pakiramdam ko package ako na idinideliver hahahaha, o kaya naman, pandesal na inilalako.”

Ang paglalagay ng divider sa loob ng jeepney ay ilan lamang sa precautionary measures na inihanda ng mga jeepney drivers para sa kanilang mga pasahero. Ang ilan din ay naglalagay pa ng alcohol o sanitizers. Tinatayang aabot sa 2 milyong mga pasahero sa NCR na magbabalik-trabaho ang inaasahang mag-uunahan sa mga pampasaherong sasakyan.

Public Domain Image

 

Source :

Facebook

Loading…