Jinkee naiyak sa surpresang pa-dinner date ng mga anak para sa kanila ni Manny Pacquiao

  • May panahon pa ba para mag-date ang mag-asawa sa panahon ng community quarantine?
  • Kung susuportahan ng mga anak, posible ang isang dinner date kahit sa loob ng bahay
  • Ganito kasi ang hinandog ng magkakapatid na Pacquiao sa kanilang mga magulang na sina Manny at Jinkee

Hindi napigilang maiyak ni Jinkee Pacquiao sa hinandang surpresa ng kanilang mga anak na sina Mary, Queenie, Emmanuel, at Michael para sa kanila ng asawang si Manny Pacquiao.

“Surprise Dinner Date. Itong surprise na ito ay effort ng mga anak ko. Salamat sa inyo mga anak ko. Na-touch ako kaya ‘di ko napigilan umiyak,” ayon sa Instagram post ni Jinkee.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Dahil hindi pa raw nakikita ng mga anak na nagde-date sa labas ang kanilang mga magulang kahit hindi pa quarantine ay naisipan ng magkakapatid na Pacquiao na mag-setup ng dinner date. Siyempre, may bulaklak din na ibinigay ang mga anak para sa ilaw ng kanilang tahanan.

“May pa bulaklak pa yan at letter! Sabi nila hindi daw nila kami nakikita na nagdi-date sa labas kahit nung wala pang quarantine kaya naisip nila na mag set up ng dinner for us. Ka-sweet sa akua mga anak! Abi man nako Mother’s Day gihapon!” paliwanag ni Jinkee.

Magkakasama ang Pamilya Pacquiao sa kanilang tahanan sa Makati sa buong panahon ng community quarantine.

Sinusulit ng kanilang mga anak na makasama nang mas matagal ang kanilang amang si Manny na maraming pinagkakaabalahan bilang isang lingkod-bayan.

“We are very grateful to God for our children! Thank you Lord for choosing us to be their mom and dad, to love and to care for them!” pahayag pa ni Jinkee.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Ang dinner date ay gagawin sana sa labas ng kuwarto upang mas romantiko ngunit dahil umulan daw bago pa ang surprise date ay nilipat ang setup sa office ng ‘pambansang kamao.’

Isa ang Pamilya Pacquiao sa mga kilala at hinahangaang pamilya sa Pilipinas.

Source :

Instagram

Loading…