Jobert Sucaldito may mabibigat na pahayag laban sa ABS-CBN management

  • Muling nagpahayag ng mabibigat na akusasyon ang radio host at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito laban sa ABS-CBN
  • Nanawagan din siya sa Kapamilya network na huwag nang gamitin ang kanilang mga empleyado bilang human shields
  • May isiniwalat din siya hinggil sa mga cameraman na illegal na tinanggal sa trabaho ng kanilang mga bossing

Viral ngayon ang mga larawan at social media posts ng mga Kapamilya stars para sa kanilang suporta sa online movement na “Laban, Kapamilya.”

Kabilang sila sa 11,000 manggagawa ng ABS-CBN Corporation na apektado sa “cease and desist order” ng National Telecommunications Commission (NTC).

Public Domain Image

Kung marami ang sumusuporta, marami rin ang naniniwala na may mali talaga ang estasyon. Isa na rito ang beteranong radio host at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito na 17 taon nang nakapagtrabaho sa DZMM.

Matatandaan na sa bungad ng 2020 ay napasailalim si Sucaldito sa indefinite suspension sa ABS-CBN bunsod ng kaniyang mga naging pahayag noon laban kay Nadine Lustre.

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Sucaldito kung ano ang katotohanan.

“Pero let’s go straight to the truth. Kahit galit ako sa ilang tao sa ABS-CBN, in my heart I am for the #notoshutdown dahil marami pa ring good people inside na ‘di naman kasali sa mga isyu namin,” aniya.

Pero nakiusap siya na huwag na sanang gamitin pa ng estasyon ang 11,000 employees nito bilang human shields. May mga empleyado raw na nabubulagan lang at nadadala sa matatamis na dila ng ilang bossing sa korporasyon.

Isiniwalat din ni Sucaldito ang tungkol sa maraming cameraman na illegal na tinanggal sa trabaho at maraming news anchors ang pinatanggal nila dahil hindi umano nila kaalyado.

Imahe mula sa Instagram account ni Jobert Sucaldito

“Nasa news iyan before—nung pinatawag ng mga bosses ang maraming cameramen sa isang five-star hotel and were served the best lunch in the world and after nilang kumain tsaka ibinigay ang walking papers nila. Masakit iyon sobra!” dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang tungkol sa sitwasyon ng iba pang contractual workers at ang hinggil sa favoritism sa kanilang mga artista at singers.

“Huwag tayong maglokohan. Anong pagkitil sa malayang pamamahayag? Kami nga’y halos scripted na lang ang puwedeng sabihin dahil bawal ang ganito…bawal ang ganyan. Alin ang malaya roon? Mabuti na lang at showbiz ang beat namin kaya we can sometimes play with words,” mariing sabi pa niya.

Ang mahabang Facebook post na ito ni Sucaldito ay nakatanggap na ng mahigit 64K shares, 1,700 komento at 75K reactions, as of posting.

I-CLICK ang imahe para sa buong post
Source :

Facebook, VP

Loading…