John Lloyd Cruz namigay ng vitamins sa mga bata, frontliner sa Cebu

Imahe mula sa The Freeman | JM Marunong
  • Personal na iniabot ni John Lloyd Cruz ang kaniyang donasyon na kahon-kahong vitamins sa isang barangay sa Cebu City
  • Bago pa man mag-lockdown ay nasa Cebu na ang aktor dahil naroon ang kaniyang anak sa dating girlfriend na si Ellen Adarna
  • Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang aktor dahil namataan siyang kumukuha ng barangay certificate doon

Personal na nagtungo ang aktor na si John Lloyd Cruz sa tanggapan ng Barangay Guadalupe sa Cebu City upang mamahagi ng kahon-kahong bitamina para sa mga bata at frontliner.

Imahe mula sa The Freeman | Mart Ramie Gacasan

Ibinahagi ng Cebu-based media outlet na The Freeman ang mga larawan kung saan makikita ang naka-leave na aktor na nakasuot ng puting t-shirt, shorts, tsinelas, at surgical mask. Game na game din itong nakipag-selfie and groufie sa mga naroon.

“Actor John Lloyd Cruz fulfills promise to donate vitamins for children and COVID-19 frontliners of Barangay Guadalupe in Cebu City,” saad nila sa caption. “The on leave Kapamilya actor has been staying in the barangay even during the lockdown.”

Nakatira ngayon sa Cebu si John Lloyd dahil taga roon si Ellen Adarna, ang dati niyang girlfriend at ina ng kaniyang anak na si Elias Modesto.

Imahe mula sa The Freeman | JM Marunong

Una nang ibinahagi ng The Freeman na nakipag-usap ang aktor kay barangay captain Michael Gacasan upang tanungin ito kung paano siya makatutulong. Noon ay nagbigay na rin si John Lloyd ng vitamins para sa mga nangangailangan.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan din ang aktor nang makita siya ng mga residente doon na kumukuha ng barangay certificate.

Ani John Lloyd, Pebrero pa lamang ay nasa Cebu na siya upang alagaan ang anak. Natututo na nga raw siya doon ng Cebuano. “Makasabot man ako gamay (I can understand a little), pero kulang pa sa practice, dapat mas tatagal pa ako dito.”

“Sa ngayon, pinipinta ko pa rin ang mga pangarap ko. Kaunting basa basa. Pero naka-establish na rin tayo ng sariling routine dito,” aniya, ayon sa Latest Chika.

Loading…