Judy Ann Santos ibinahagi kung paano tinulungan ang mga empleyado sa gitna ng lockdown

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos
  • Isa raw sa mga unang inisip nina Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo nang i-anunsyo ang lockdown ay ang kanilang mga staff sa Angrydobo restaurant nila
  • Upang makatulong sa paghahanda para rito ay ipinauwi nila sa kanilang mga staff ang ilang supply nila
  • Ngayon ay bukas na para sa take out, delivery, at pick up services ang kanilang branch sa Taft

Nang i-anunsyo ang lockdown dahil sa COVID-19 ay isa raw sa mga naisip ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanilang mga staff sa restaurant nilang Angrydobo.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

“With the lockdown ang first thing in mind talaga namin, ano ang mangyayari sa mga staff? Paano na sila?” kuwento ni Juday sa isang panayam. Dagdag niya pa, kabubukas pa lamang noon ng kanilang Westgate branch sa Alabang.

Dahil alam nilang hindi lahat ay handa para sa lockdown ay nagdesisyon silang ipauwi ang ilan sa kanilang mga supply sa mga staff ng restaurant.

“What we did, some of our supplies, ipinauwi na namin sa staff namin para maka-prepare din sila sa lockdown because it was a sudden lockdown, not everyone was prepared,” aniya.

“Imbis na masayang yung pagkain, mabuting itulong na lang namin para ma-lessen na yung worries nila at least for a week or tatlong araw man lang, kampante kami na okay yung ‘cast members namin.’”

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

Wala rin naman daw silang ibang choice noon kundi ang magsara dahil iniisip nila ang kalusugan ng kanilang mga staff.

“Eventually, habang naka-quarantine, we are thinking of ways of how are we are going to keep our staff because as much as possible, we don’t want naman talaga na magtanggal ng tao kasi as it is, ang hirap na ng buhay,” sabi ng aktres.

“We are thinking of expanding into other items to serve more people and at the same time serve the frontliners as well.”

Sa ngayon daw ay bukas na para sa take out, delivery, at pick up services ang kanilang branch sa Taft.

 

Source :

YouTube, PEP

Loading…